Pagkaantala ng pagiging miyembro ng Pilipinas sa RCEP, pinuri ng FFF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 844 total reads

Ikinagalak ng Federations of Free Farmers (FFF) ang pagkaantala ng pagiging miyembro ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na kasunduan ng free trade.

Ito ay matapos hindi magkaroon ng anumang pag-dinig at pag-boto ang mga mambabatas sa Senado sa kanilang pinakahuling Session.

Naunang isinumite sa Senado ang panawagan laban sa RCEP na nilagdaan ng may 127 mga Agricultural groups at indibidwal na naninindigan na hindi makakatulong sa sektor ang patuloy na pagtanggap ng pamahalaan ng imported supplies ng walang taripa.

Sa halip ay pinapahina nito ang lokal na produksyon ng pagkain sa bansa kung saan nakakaranas ng labis na pagkalugi at kawalan ng kabuhayan ang mga mangingisda at magsasaka.

Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) President Atty.Bong Inciong, isa sa mga magiging pangunahing suliranin ng pakikibahagi ng Pilipinas sa RCEP ay ang pagpasok at posibilidad ng pagkalat ng ibat-ibang uri ng sakit mga alagaing hayop katulad ng African Swine Fever

Inihayag ni Inciong sa Radio Veritas na hindi nasusunod sa kasalukuyan ang maayos na ‘Quarantine Procedures’ ng mga karne sa ilalim ng mga patakaran sa naunang pakikibahagi sa World Trade Orginazation (WTO).

“Dominado ito ng China, ang ating WTO buong mundo ang kasali, may balanse ka, dito dominado ito ng China, yang China kilalanin na natin diyan nanggagaling yung karamihan ng sakit ng tao atsaka ng hayop, yung ASF diyan din nanggagaling diyan-galing ang china dito nakapasok,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Inciong.

Pinangangambahan rin ni Inciong ang pagiging ‘Dependent’ ng pamahalaan sa mga imported goods.

Una ng nanawagan ang simbahang katolika ng Pilipinas na bigyang pansin ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura ng bansa dahil sila ang pangunahing lumilikha ng pagkain at upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa kabila ng Pandemya.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 4,641 total reads

 4,641 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 4,777 total reads

 4,777 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 18,248 total reads

 18,248 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 140,967 total reads

 140,967 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 191,331 total reads

 191,331 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 318,389 total reads

 318,389 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 403,064 total reads

 403,064 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 4,778 total reads

 4,778 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top