Pagkakahirang kay Cardinal Tagle bilang Cardinal Bishop ng Simbahang Katolika, ipinagbunyi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 935 total reads

May 2, 2020-9:40am

Ikinagalak ng sambayanang Filipino ang pagkakahirang kay Propaganda Fides President Luis Antonio Cardinal Tagle bilang isa sa 11 Cardinal-Bishops o “ highest order of Cardinal ng Simbahang Katolika.

Itinuturing din na isang karangalan ng mga Filipino at biyaya ang pagkakahirang kay Cardinal Tagle ni Pope Francis.

Ang Titular Church ni Cardinal Tagle ay San Felice da Cantalice a Centocelle.

Sinabi ni Rev.Father Gregory Gaston, rector ng Ponficio Collegio Filipino at Radio Veritas Correspondent sa Roma, ikinagagalak ng Filipino community sa Roma ang bagong titulo ni Cardinal Tagle na kanilang kasama sa kasalukuyan.

“Kami dito sa Collegio Filipino, lalu na’t nandito pa sya ngayon kasama namin sa lunch, breakfast sa dinner. Of course, masayang masaya tayong lahat dito. It’s an honor sa atin,” ayon kay Fr. Gaston.

Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Cardinal Tagle sa pinakamataas sa hanay ng mga kardinal ng simbahan -o bilang Cardinal Bishop.

Si Cardinal ay isa sa magiging closest collaborator ni Pope Francis sa pamamahala ng Universal Church na mayroong 1.2-bilyong miyembro sa buong mundo.

Si Cardinal Tagle at Cardinal Beniamino Stella ang mga pinakabagong miyembro ng Cardinal Bishops kasama ang 11 iba pang opisyal ng simbahan.

“Sila ang 11 na closest collaborator ni Pope sa buong mundo,” ayon kay Fr. Greg Gaston

Habang ang Cardinal Bishops ay may kapangyarihan sa simbahan ng Roma bilang malalapit na katuwang ng Santo Papa sa pamamahala sa universal church.

“May power sila, napakalakas. Ano ang power nila? The power to serve our brothers and sisters,” ayon kay Fr. Gaston.

Mula rin sa kapulungan ng Cardinal Bishops, ang inihahalal bilang Dean of College of Cardinals na siyang namumuno para sa paghahalal ng bagong Santo Papa sa pagkakataong sede vacante.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 26,871 total reads

 26,871 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 78,056 total reads

 78,056 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 125,927 total reads

 125,927 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 229,875 total reads

 229,875 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 314,611 total reads

 314,611 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top