Pagkakaisa at pagbabalik-loob, panawagan ng ACN sa mga pinuno ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,651 total views

Naniniwala si Aid to the Church in Need-Philippines National Director Max Ventura sa kapangyarihan ng pananalangin ng Santo Rosaryo bilang sandata ng pagkakaisa at pag-asa sa buong mundo.

Sa naganap na One Million Children Praying the Rosary na isinagawa ngayong taon sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Santo Rosario sa Rosario, Cavite ay binigyang diin ni Ventura na ang sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo ng mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo ay isang makapangyarihang paalala ng pagkakaisa ng Simbahan sa pananampalataya at sa panawagan ng kapayapaan.

“Alam nyo napakaganda ng araw na ito sapagkat tinatanghal natin ang Power of Prayer at ito bilang pamamaraan ng pagkakaisa ng lahat ng mga nananampalataya. Sabay-sabay tayong nagdarasal, lalo na ang mga dasal ng mga bata na bilang isang Simbahan tayo ay nananalangin ng biyaya para sa ating bansa, lalo na para maharap natin ang ating mga problema sa ngayon,” Bahagi ng pahayag ni Ventura sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Ventura na ang taunang One Million Children Praying the Rosary ay bahagi ng pandaigdigang kilusan ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need na isinasagawa sa buong mundo, bilang patunay ng iisang pananampalataya at pag-asa ng mga Kristiyano.

“Ang pakikiisa sa pananalangin ay hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Dahil nga po sa ilalim ito ng Aid to the Church in Need, na isang Papal Foundation, at nasa 24 na bansa sa buong mundo,” Dagdag pa ni Ventura.

Nanawagan naman si Ventura ng pagbabalik-loob at pagkakaisa lalo na sa mga pinuno ng bansa sa gitna ng mga kaguluhan at krisis na kinahaharap ng Pilipinas at ng mundo, upang manaig ang pagmamahal na itinuturo ni Kristo.

“Nakikiisa tayo sa lahat ng mga kabataan na nagdarasal para nga sa ating mundo. Sana magkaisa at mabawasan ang mga paguluhan, ang mga gera. At sana nga magbalik-loob lalo na ang mga pinuno natin dito sa Pilipinas—na sana ang manaig ay ang pagmamahal na siyang tinuro ng ating Panginoong Hesus…” Ayon pa kay Ventura.

Iginiit din ni Ventura ang kahalagahan ng pananalangin ng Santo Rosaryo na paraan ng pagiging malapit sa Panginoon sa pamamagitan ni Maria, na patnubay sa matuwid na landas ng pananampalataya.

“Ang pagrorosaryo ay isang paraan ng pagiging mas malapit sa ating Panginoon sa pamamagitan ni Maria. At kung tayo ay nalalapit sa ating Panginoon at buhay ang ating buhay panalangin, sa malamang sa malamang, hindi tayo maliligaw ng landas.” Pagbabahagi ni Ventura.

Hinimok naman ni Ventura, ang mga nagtapos sa mga Catholic schools na patuloy na isabuhay ang pananampalataya at gamitin ang panalangin, lalo na ang Santo Rosaryo, bilang patnubay sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Ventura kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa mainit na pagtanggap at suporta ng Diyosesis ng Imus sa ACN-Philippines lalo na sa pagdaraos ng One Million Children Praying the Rosary kung saan itinanghal din ang Virgen de la Caracol na gagawaran ng pontifical coronation.

“Nais kong magpasalamat kay Bishop Rey Evangelista sa mainit na pagtanggap sa Aid to the Church in Need dito sa Diocese ng Imus. Talagang damang-dama namin ang suporta at natataon itong pagdiriwang sapagkat itatanghal din ang Virgen de la Caracol bilang isang may papal coronation. Naaangkop ito na dapat dito talagang gawin,” pagtatapos ni Ventura.

Ang “One Million Children Praying the Rosary” ay isang pandaigdigang panawagan ng pananalangin para sa kapayapaan, pagkakaisa, at pagbabalik-loob sa Diyos, na taunang kampanya ng Aid to the Church in Need (ACN) sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 14,128 total views

 14,128 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 188,062 total views

 188,062 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 165,695 total views

 165,695 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 229,395 total views

 229,395 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 248,179 total views

 248,179 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top