Pope Leo XIV, dadalaw sa Türkiye at Lebanon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,390 total reads

Vatican-Inanunsyo ng Holy See Press Office na magtutungo si Pope Leo XIV sa Türkiye at Lebanon sa huling bahagi ng Nobyembre hanggang unang linggo ng Disyembre ngayong taon.

Ayon kay Holy See Press Office Director Matteo Bruni, ito ang magiging unang paglalakbay sa labas ng Roma ni Pope Leo XIV mula nang siya ay mahalal bilang pinuno ng Simbahang Katolika, na inaasahang magbibigay ng bagong pag-asa at inspirasyon sa mga mananampalataya.

Ayon kay Bruni, tinanggap ng Santo Papa ang paanyaya ng mga pinuno ng estado at Simbahan sa dalawang bansa.

Bahagi ng kanyang pagbisita sa Türkiye ang paglalakbay sa İznik, bilang paggunita sa ika-1,700 anibersaryo ng Unang Konseho ng Nicaea — isang makasaysayang pagtitipon ng Simbahan na nagbunga ng Nicene Creed, ang pahayag ng pananampalatayang Kristiyano na ginagamit pa rin sa mga misa sa buong mundo.

Sa panayam ng Vatican News kay Bishop César Essayan, Apostolic Vicar ng Beirut, inilarawan niya ang nakatakdang pagbisita ng Santo Papa sa Lebanon bilang isang dakilang tanda ng pag-asa para sa mga mamamayan sa isang rehiyong matagal nang dumaranas ng kaguluhan at krisis.

Ayon sa obispo, inaasahan nilang ang pagdalaw ng Santo Papa ay magdadala ng hininga ng kapayapaan at panibagong sigla, at magsilbing paalala na ang tunay na daan ng sangkatauhan ay ang kapayapaan na nakaugat sa dayalogo, katarungan, at paggalang sa dangal ng bawat tao.

Binigyang-diin din ni Bishop Essayan na kapwa nanabik ang mga Kristiyano at Muslim sa Lebanon na salubungin si Pope Leo XIV at ang pagnanais ng mga mamamayan na marinig mula sa Santo Papa ang mga salitang nagbibigay-buhay at pag-asa, na nananawagan sa pagkakapatiran at pagkakasundo sa halip na karahasan at digmaan.

Sinabi ni Bishop Essayan, ang pagdalaw ni Pope Leo XIV ay hindi lamang isang pagbisita ng pinuno ng Simbahan, kundi isang mensahe ng pagkakaisa at pag-ibig.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 16,327 total reads

 16,327 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 75,766 total reads

 75,766 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 161,133 total reads

 161,133 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,869 total reads

 207,869 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 255,740 total reads

 255,740 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 355,996 total reads

 355,996 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top