Pagkakaisa at pagbabalik-loob, panawagan ng ACN sa mga pinuno ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,823 total reads

Naniniwala si Aid to the Church in Need-Philippines National Director Max Ventura sa kapangyarihan ng pananalangin ng Santo Rosaryo bilang sandata ng pagkakaisa at pag-asa sa buong mundo.

Sa naganap na One Million Children Praying the Rosary na isinagawa ngayong taon sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Santo Rosario sa Rosario, Cavite ay binigyang diin ni Ventura na ang sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo ng mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo ay isang makapangyarihang paalala ng pagkakaisa ng Simbahan sa pananampalataya at sa panawagan ng kapayapaan.

“Alam nyo napakaganda ng araw na ito sapagkat tinatanghal natin ang Power of Prayer at ito bilang pamamaraan ng pagkakaisa ng lahat ng mga nananampalataya. Sabay-sabay tayong nagdarasal, lalo na ang mga dasal ng mga bata na bilang isang Simbahan tayo ay nananalangin ng biyaya para sa ating bansa, lalo na para maharap natin ang ating mga problema sa ngayon,” Bahagi ng pahayag ni Ventura sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Ventura na ang taunang One Million Children Praying the Rosary ay bahagi ng pandaigdigang kilusan ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need na isinasagawa sa buong mundo, bilang patunay ng iisang pananampalataya at pag-asa ng mga Kristiyano.

“Ang pakikiisa sa pananalangin ay hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Dahil nga po sa ilalim ito ng Aid to the Church in Need, na isang Papal Foundation, at nasa 24 na bansa sa buong mundo,” Dagdag pa ni Ventura.

Nanawagan naman si Ventura ng pagbabalik-loob at pagkakaisa lalo na sa mga pinuno ng bansa sa gitna ng mga kaguluhan at krisis na kinahaharap ng Pilipinas at ng mundo, upang manaig ang pagmamahal na itinuturo ni Kristo.

“Nakikiisa tayo sa lahat ng mga kabataan na nagdarasal para nga sa ating mundo. Sana magkaisa at mabawasan ang mga paguluhan, ang mga gera. At sana nga magbalik-loob lalo na ang mga pinuno natin dito sa Pilipinas—na sana ang manaig ay ang pagmamahal na siyang tinuro ng ating Panginoong Hesus…” Ayon pa kay Ventura.

Iginiit din ni Ventura ang kahalagahan ng pananalangin ng Santo Rosaryo na paraan ng pagiging malapit sa Panginoon sa pamamagitan ni Maria, na patnubay sa matuwid na landas ng pananampalataya.

“Ang pagrorosaryo ay isang paraan ng pagiging mas malapit sa ating Panginoon sa pamamagitan ni Maria. At kung tayo ay nalalapit sa ating Panginoon at buhay ang ating buhay panalangin, sa malamang sa malamang, hindi tayo maliligaw ng landas.” Pagbabahagi ni Ventura.

Hinimok naman ni Ventura, ang mga nagtapos sa mga Catholic schools na patuloy na isabuhay ang pananampalataya at gamitin ang panalangin, lalo na ang Santo Rosaryo, bilang patnubay sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Ventura kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa mainit na pagtanggap at suporta ng Diyosesis ng Imus sa ACN-Philippines lalo na sa pagdaraos ng One Million Children Praying the Rosary kung saan itinanghal din ang Virgen de la Caracol na gagawaran ng pontifical coronation.

“Nais kong magpasalamat kay Bishop Rey Evangelista sa mainit na pagtanggap sa Aid to the Church in Need dito sa Diocese ng Imus. Talagang damang-dama namin ang suporta at natataon itong pagdiriwang sapagkat itatanghal din ang Virgen de la Caracol bilang isang may papal coronation. Naaangkop ito na dapat dito talagang gawin,” pagtatapos ni Ventura.

Ang “One Million Children Praying the Rosary” ay isang pandaigdigang panawagan ng pananalangin para sa kapayapaan, pagkakaisa, at pagbabalik-loob sa Diyos, na taunang kampanya ng Aid to the Church in Need (ACN) sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 16,318 total reads

 16,318 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 75,750 total reads

 75,750 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 161,117 total reads

 161,117 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,853 total reads

 207,853 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 255,724 total reads

 255,724 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 355,980 total reads

 355,980 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top