Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakapantay-pantay sa ating Lipunan

SHARE THE TRUTH

 129,356 total views

Ang panahon ng kapaskuhan, kapanalig, ay isa sa mga panahong mas dama ng marami ang kahirapan ng buhay. Sa panahong ito, mas nagiging litaw o obvious ang inequality o hindi pagkapantay-pantay sa ating lipunan.

Sa Pilipinas, isang malalim na suliranin ang patuloy na pag-usbong ng hindi pantay-pantay na kalagayan sa lipunan. Habang ang ilan ay nabubuhay ng marangya at masagana, mayroong mga sektor na patuloy na naaapi at naghihirap. Dapat maging layunin natin kapanalig, ang pagkakaroon ng makatarungang lipunan. Malabong mangyari ito sa ngayon dahil mataas pa rin ang antas ng inequality sa ating bansa. Ayon nga sa isang pag-aaral, ang Pilipinas ang may pinaka-mataas na GINI coefficient sa anim na pinakamalaking ekonomiya sa ASEAN. 41.58% ang GINI coefficient sa Pilipinas habang  sa Malaysia ay 39.37%,  sa Indonesia ay 38.33%, at ang Vietnam,  nasa 35.58%. Ang GINI coefficient ay sukat ng income inequality.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng hindi pantay-pantay na kalagayan sa Pilipinas ay ang limitadong access sa edukasyon. Ang kahirapan ay nagiging sagabal sa pag-aaral at pag-unlad ng mga kabataan. Upang labanan ito, kinakailangan ng mas malawakang programa sa edukasyon at mga scholarship na naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga kabataan na makamit ang kanilang pangarap.

Ang hindi patas na access sa kalusugan at serbisyong medikal ay isa pang aspeto na nagiging sanhi ng hindi pantay-pantay na kalagayan ng mga Pilipino. Ang mga maralita ay mas nahihirapan makakuha ng sapat at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan. Sa pagpapalawak ng universal health care at iba pang programa para sa kalusugan, mas mapaglilingkuran ang pangangailangan ng mas nakararami. Dahil sa kakulangan sa access sa health insurance, mas malaki ang out of pocket payments ng maralita para sa health care, habang mas maliit ang kita nila.

Ang hindi patas na distribusyon ng yaman ay isa ring sanhi ng hindi pantay-pantay na kalagayan ng mga Pilipino. Ang malaking agwat sa kita at pagmamay-ari ng yaman ay naglilikha ng mas malalim na kaguluhan sa lipunan. Para mabawasan ang pagkakapantay-pantay, kinakailangan ng mga polisiya na nagtataguyod ng mas makatarungan na distribusyon ng yaman. Halimbawa nito ay ang pay gap sa pagitan ng babae at lalaki. Kasama din dito ang maliit na sweldo ng trabahante, habang malaki ang mark-up sa mga produkto ng mga negosyante.

Sa larangan ng trabaho, ang kawalan ng job security at mababang pasahod para sa ilang sektor ay naglilikha ng agwat sa kita. Ang pagsusulong ng regularisasyon sa trabaho at pagtataas ng minimum na sahod ay mahalaga upang mabawasan ang agwat sa kita at mapanatili ang dignidad ng bawat manggagawa. Isa pang ehemplo ng kawalan ng job security ay ang kalagayan ng mga jeepney drivers natin ngayon. Malapit na ang deadline ng jeepney modernization. Anong kinabukasan ang naghihintay sa kanila?

Kung nais natin ng tunay na kaunlaran, kailangan natin isulong ang pagkakapantay pantay sa lipunan. Ayon nga sa Gaudium et Spes: While there are just differences between people, their equal dignity as persons demands that we strive for fairer and more humane conditions. Excessive economic and social disparity between individuals and peoples of the one human race is a source of scandal and militates against social justice, equity, human dignity, as well as social and international peace.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 16,948 total views

 16,948 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 63,478 total views

 63,478 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 100,959 total views

 100,959 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 132,839 total views

 132,839 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 177,551 total views

 177,551 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Silipin din ang DENR

 16,950 total views

 16,950 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 63,480 total views

 63,480 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 100,961 total views

 100,961 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 132,841 total views

 132,841 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 177,553 total views

 177,553 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 185,175 total views

 185,175 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 191,544 total views

 191,544 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 138,340 total views

 138,340 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 148,764 total views

 148,764 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 159,403 total views

 159,403 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »
Scroll to Top