Rapid assessement, isinagawa ng Caritas Philippines at Caritas Germany sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,595 total reads

Magkakatuwang na nagsagawa ng inisyal na pakikipag-ugnayan at rapid assessment ang Caritas Philippines, Cebu Caritas Inc. at Caritas Germany matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu.

Isinagawa ang pagsusuri sa mga lungsod at mga bayan na labis na naapektuhan ng bagyo sa lalawigan.

Ayon sa inisyal na ulat matindi ang pinsalang idinulot ng Bagyong Tino lalo na sa mga komunidad na hindi nakapaghanda sa naganap na biglaang pagtaas ng tubig-baha.

“The national team of Caritas Philippines together with Cebu Caritas Inc. and Caritas Germany conducted an initial coordination and assessment following the impact of Typhoon Tino in the most affected municipalities and cities in Cebu. The devastation was overwhelming, as most residents were unprepared on the rapid rise of floodwaters.” Bahagi ng pahayag ng Caritas Philippines.

Batay sa inisyal na pagsusuri, libu-libong kabahayan sa tabi ng mga ilog at baybaying dagat ang nasira, kung saan naranasan din maging sa mga private subdivisions ang matinding pagbaha dahilan upang maraming mga pamilya ang umakyat sa bubong para maging ligtas mula sa malakas pagragasa ng tubig baha.

Sa kasalukuyan isinasagawa ng mga lokal na awtoridad at mga residente ang clearing at cleaning operations, gayundin ang search and retrieval efforts sa mga lugar na lubhang nasalanta ng Bagyong Tino.

“Thousands of houses along rivers and coastal areas were destroyed. Even houses in private subdivisions experienced massive flooding, forcing hundreds of families to climb onto rooftops. Clearing and cleaning operations, as well as search and retrieval efforts, are currently ongoing.” Dagdag pa ng Caritas Philippines.

Nanawagan naman ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mananampalataya at mga katuwang na institusyon na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng tulong at pagdarasal para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Ayon sa inisyal na pagsusuri kabilang sa mga agarang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng Bagyong Tino ang malinis na tubig para sa pag-inom at paglilinis; pagkain at food packs; pangunahing gamit sa bahay; sleeping kits; pansamantalang materyales para sa pagsasaayos ng tirahan; solar lights; lalagyan ng tubig; sanitation at hygiene kits; at maging mga gamot.

Umaasa naman ang Caritas Philippines na sa gitna ng matinding pagsubok na kinahaharap ng mamamayan mula sa mga nakalipas na kalamidad ay manatiling manaig ang pagkakaisa at malasakit ng bawat isa sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos at pagkakawanggawa upang maibabalik ang pag-asa sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan.

“Let us continue to extend our solidarity and compassion to the families affected by Typhoon Tino. Together, through our collective efforts and generosity, we can help them rebuild their homes and bring hope in the midst of devastation.” Ayon pa sa Caritas Philippines.

Batay sa tala ng PAGASA Weather Forecasting Center ang Bagyong Tino ang ika-20 bagyong naitala ngayong taon na nagdulot ng matinding pagbaha at mga pagkasira sa Visayas region partikular na sa Cebu.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 20,386 total reads

 20,386 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 167,150 total reads

 167,150 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 201,826 total reads

 201,826 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 218,329 total reads

 218,329 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 254,816 total reads

 254,816 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 263,392 total reads

 263,392 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 20,387 total reads

 20,387 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top