Papal Nuncio, nakikiisa sa pananalangin sa mga naapektuhan ng magkasunod na kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,253 total reads

Ipinapanalangin ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga mamamayang labis na naapektuhan ng magkakasunod na kalamidad sa bansa.

Sa kanyang pastoral visit on the air sa Radyo Veritas nitong Lunes, binigyang-diin ng nuncio ang serye ng mga sakunang tumama sa Pilipinas kabilang ang mga lindol sa Visayas at Mindanao, gayundin ang pananalasa ng mga Bagyong Tino at Uwan na nagdulot ng matinding pinsala sa iba’t ibang rehiyon.

“We pray in a very special way for those who have suffered in these recent natural disasters, the earthquake, the two typhoons that we’ve gone through,” ayon kay Archbishop Brown.

Ipinagdarasal din ng kinatawan ng Santo Papa ang katatagan at pagbangon ng bawat Pilipino, lalo na ng mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay, at hinimok ang lahat na magkaisa sa pagtulong sa mga biktima.

“We pray that God will comfort those who have suffered loss in any way, especially those who have lost their lives, that God will comfort their families, and that we will be generous in helping them,” dagdag pa ng nuncio.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 224 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Tino, kung saan 158 dito ay mula sa Cebu. Tinatayang halos isang milyong pamilya, o katumbas ng mahigit tatlong milyong indibidwal, ang apektado.

Samantala, umabot naman sa bilyong pisong halaga ang kabuuang pinsala sa mga ari-arian at imprastraktura dulot ng mga bagyo at lindol sa buong bansa. Dahil dito, isinailalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buong bansa sa isang taong state of national calamity upang mapabilis ang pagtugon at rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,753 total reads

 38,753 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 89,110 total reads

 89,110 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,981 total reads

 136,981 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,929 total reads

 240,929 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 325,026 total reads

 325,026 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top