Caritas Manila, namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa lungsod ng Maynila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,852 total reads

Nagsagawa ang Caritas Manila ng malawakang pamamahagi ng tulong sa mga mamamayan sa Maynila na lubhang nasalanta ng bagyong Uwan.

Nito November 10, 2025, namahagi ng tulong ang Caritas Manila ng tulong sa mga residenteng nasasakupan ng Nuestra Señora Dela Soledad Parish sa San Nicholas Binondo, Parish of the Risen Christ sa Tondo at San Jose Manggagawa sa Maynila.

Ayon kay Ramona Ilucito – Social Service Development Ministry (SSDM) Volunteer Coordinator nang Nuestra Señora Dela Soledad Parish, 226 na pamilya mula sa Barangay 275 ng lungsod ng Maynila ang nabigyan ng tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila.

“Ngayon po, pupuntahan po namin kung totoo pong nasalanta at doon po sa evacuation (centers)- siyempre po malakas po ang ulan hindi po kami agad makalabas, pinuntahan po namin kaninang umaga po ngunit wala na po ang iba dahil inilipat sila ng evacuation centers kaya ngayon po, nagpatulong po kami sa Baranggay at yun nga po, nailista na namin sila ng maayos” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Ilucito.

Labis naman ang pasasalamat ni Alexandra Salazar – SSDM Coordinator sa Risen Christ Parish sa naging pamamahagi ng relief assistance ng Caritas Manila sa 90-mahihirap na pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyo.

“Yung kagabi po na sobrang lakas po ng hangin, yung bahay po nila ay binaha po talaga, tapos yun po, na-force evacuate po sila ng Baranggay, maraming-maraming salamat po sa Caritas Manila at mabilis po yung pagtugon nila para po sa mga nasalanta po ng Bagyong Uwan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Salazar.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Caritas Manila sa mga SSDM Coordinator sa ibat-ibang Parokya sa Archdiocese of Manila upang kagyat na maipadala ang tulong sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad.

Nakipag-ugnayan na rin ang Caritas Manila sa Santo Niño De Baseco sa Manila Port Area upang malaman ang tiyak na bilang ng mga padadalahan ng tulong na sinasabing umaabot ng 1,378 na pamilya.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 22,661 total reads

 22,661 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 170,180 total reads

 170,180 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 204,856 total reads

 204,856 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 221,237 total reads

 221,237 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 257,724 total reads

 257,724 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 266,117 total reads

 266,117 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top