Pagkakapaslang sa Pari, magbubunga ng mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total reads

Rosaryo at Prayer book ang tanging tangan ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa kabila ng sunod-sunod sa pagpaslang sa mga pari..

Wala rosaryo lang ano pa ba? At prayer book yung Breviary. God’s will be done” ayon sa obispo.

Ayon kay Bishop Bacani, ito ang hindi niya kinakalimutang dalhin sa tuwing lalabas ng silid dahil ipinapaubaya na niya sa Panginoon ang kaniyang buhay.

“I have no special pre-caution. Pag naglagay ako ng proteksyon papatayin din lang nila. di dadami pa… mabuti kung papatayin nila ako targetin na lang akong mag-isa. Hindi ko naman hinahanap ‘yun. Pero kung mangyari salamat sa Diyos, harinawa na lang na kung mangyari ‘yun ginagawa ko naman ang kaniyang kalooban,” ayon kay Bishop Bacani.

Ayon sa obispo, ang kalooban ng Diyos ang masusunod sakali mang may magtangka rin sa kaniyang buhay tulad na rin sa nangyaring pagpaslang kina Fr. Richmond Nilo ng Cabanatuan na kilalang tagapagtanggol ng pananampalataya; sina Fr. Mark Anthony Ventura ng Tuguegarao at Fr. Marcelito Paez ng San Jose, Nueva Ecija ay nagsusulong naman ng pangangalaga sa kalikasan at tagapagtanggol ng mga manggagawa.

Sinabi ng Obispo na ang pagkamatay ng mga paring ito ay magbubunga ng mabuti dahil kanilang sinikap na sundin ang kalooban ng Diyos at paggawa ng kabutihan sa kanilang kapwa.

“Pagka ikaw ay nagiging pari handa ka sa lahat. Handa ka talagang maging katulad ni Kristo maging hanggang sa pag-aalay ng buhay,” dagdag pa ng Obispo.

Si Bishop Bacani ay hayagan naman ng pagsusulong ng mga adbokasiya ng simbahan tulad ng pagkondena sa extra judicial killings at pagtatanggol sa kasagraduhan ng buhay.

Sa hiwalay na pahayag, hindi rin sang-ayon si Bishop Broderick Pabillo-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) sa panukalang mag-armas ang mga pari.

“Hindi naman ‘yan paraan para ipagtanggol ang kanilang sarili. Ang mga pari ay handa sa anumang mangyari sa kanila. Pero hindi ang pakikipaglaban, hindi ‘yan ang solusyon,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nanawagan din ang obispo hindi lamang sa mga pari kundi maging sa mga layko na mag-ingat subalit patuloy na manindigan para sa katotohanan at huwag matakot para isulong ang katarungan at kabutihan ng lahat sa kabila ng banta ng karahasan.

“Dapat mas maging maingat at dapat ang mga tao ay hindi magpabaya at mas maging vocal sa paninindigan para sa katotohanan at para sa kabutihan. Kasi kung magpapabaya tayo ung mga tao gagawin nila ang gusto nilang gawin kahit na masama. Panawagan sa lahat ito na mas maging vigilant ang mga tao at dapat manindigan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Una na ring nagpahayag ng pagtutol si CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa panukalang pag-aarmas sa mga pari.

Ayon kay Archbishop Valles, kaakibat ng pagiging pari ang pagharap sa panganib at kamatayan nang dahil sa misyon ng simbahan.

Tinatayang may higit sa 10,000 ang kabuuang pari sa buong bansa, kabilang na dito ang may 140 mga obispo mula sa 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 35,500 total reads

 35,500 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 66,772 total reads

 66,772 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 144,515 total reads

 144,515 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 238,743 total reads

 238,743 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 297,890 total reads

 297,890 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top