Pagkakatalaga ng Cebuanong Pari bilang Papal Chaplain, ikinararangal ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 738 total reads

Isang karangalan para sa Arkidiyosesis ng Cebu at ng mga Filipino ang pagkakatalaga ni Monsignor John Thomas Limchua bilang Papal Chaplain.

Ayon kay Rev. Msgr. Joseph Tan, ang tagapagsalita ng arkidiyosesis, indikasyon ito ng pagtitiwala ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kakayahan ng mga Filipino na gampanan ang mga tungkulin ng paglilingkod sa simbahang katolika.

“Tanda ito ng kasiyahan ng Santo Papa Francisco sa serbisyo at paglilingkod ni Msgr. [John] Limchua sa Santo Papa at sa buong simbahang katolika,” mensahe ni Msgr. Tan sa panayam ng Radio Veritas.

Bukod sa pagiging Papal Chaplain, nauna nang naitalaga si Msgr. Limchua bilang opisyal ng Section for the Relations with States sa Vatican nitong Hulyo sa ilalim ng Secretariat of State of the Holy See.

Magsisilbing spiritual servant si Msgr. Limchua ng Papal household o Papal chapel.

Nagsimula si Msgr. Limchua sa diplomatic service noong Setyembre 2014 at naglingkod sa Apostolic Nunciature ng Benin at Togo sa West Africa at sa Egypt.

Nagtapos ang pari ng kanyang Theological studies sa Faculty of Theology sa University of Navarre sa Pamplona Spain habang ang kanyang doctorate in Canon Law naman sa Pontifical Lateran University sa Roma.

2010 naman ng maordinahang pari si Msgr. Limchua sa Arkidiyosesis ng Cebu at sumailalim ng diplomatic formation sa Pontifical Ecclesiastical Academy, ang Diplomatic school ng Vatican.

Nagpaabot ng pagbati ang arkidiyosesis kay Msgr. Limchua kasabay ng pananalangin para sa bagong misyong paglilingkod sa Santo Papa.

“Sa ngalan ng ating Arsobispo Jose S. Palma at sa lahat ng mga pari, relihiyoso at mga layko ng Cebu, binabati namin si Msgr. John Thomas Limchua sa karangalan na ipinagkaloob ng Santo Papa sa kanya bilang Papl Chaplain to His Holiness,” dagdag pa ni Msgr. Tan.

Bukod kay Msgr. Limchua, dalawa pang Cebuanong pari ang naging bahagi sa diplomatic service ang magkapatid na si Archbishop Osvaldo Padilla, ang Apostolic Nuncio Emeritus ng Korea at Archbishop Francisco Padilla na kasalukuyang Apostolic Nuncio naman ng Guatemala.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,595 total reads

 7,595 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,190 total reads

 9,190 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,266 total reads

 20,266 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,644 total reads

 57,644 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,914 total reads

 88,914 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,104 total reads

 165,104 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,328 total reads

 258,328 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,597 total reads

 7,597 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top