Pagkakaunawaan at pagkakaisa, paiigtingin ng CBCP at IFI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,120 total views

Pinaigting ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpalaganap ng misyon ng Simbahan tungo sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa kapwa kristiyano.

Inilunsad ng CBCP at Iglesia Filipina Independiente ang dalawang mahahalagang dokumento na pinamagatang “Celebrating the Gift of Faith, Learning from the Past and Journeying Together” at ang “Mutual Recognition of Baptism” sa pagitan ng dalawang simbahan.

Kaugnay nito hinimok ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ang mga parokya sa buong bansa na ibahagi sa mananampalataya ang mga dokumentong napagkasunduan ng Roman Catholic Church (RCC) in the Philippines at IFI.

“The IFI is scheduled to read and share these documents to their parishes on August 15, 2021. It will be good if the documents could also be shared and announced to all the parishes on that same date,” bahagi ng liham sirkular ni Archbishop Valles.

Kabilang sa mga babasahin ang sumusunod na dokumento:
1. Joint statement “Celebrating the Gift of Faith, Learning from the Past and Journeying Together”
2. Mutual Recognition of Baptism between the Iglesia Filipina Independiente and the Roman Catholic Church in the Philippines
3. Directory of the Iglesia Filipina Independiente Churches. This Directory lists all the parish and mission churches that belong to the IFI and are under this mutual agreement.
4. IFI Directory. This lists the names and addresses of the bishops belonging to the IFI.
5. IFI and Its Separated Brethren. This article lists and briefly outlines the history of the churches that have separated from the IFI and therefore their baptisms are not included in the mutual agreement.

Ginanap ang paglunsad sa dalawang dokumento sa pagitan ng RCC at IFI noong Agosto 3, 2021 sa National Cathedral ng IFI sa Taft Manila kasabay ng pagdiriwang ng ika – 119 na anibersaryo ng pagkakatatag ng grupo.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez sinabi nitong mahalaga ang pagkakasundo ng bawat mamamayan tungo sa iisang hangaring magbigay papuri sa Diyos.

Aktibo ang Obispo sa Ecumenical Bishops’ Forum kung saan higit na isinusulong ang pagkakaisa ng bawat simbahan sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala bilang pagsasabuhay sa turo ng Panginoon na palaganapin ang pag-ibig sa kapwa.

Nanindigan din ang IFI na ang hakbang ay pakikiisa sa Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity.

Sinabi ng IFI na ito rin ay tanda ng paghilom sa anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang institusyon sa mahabang panahon dahil sa magkakaibang paniniwala.

Kapwa pinagsumikapan ng magkabilang panig ang pagsasakatuparan nito sa pangunguna ng CBCP Episcopal Commission on Ecumenical Affairs na pinamumunuan ni Cotabato Archbishop Angelito Lampon at CBCP Commission on Mutual Relations na pinangasiwaan naman ni Cagayan De Oro Arcbishop Emeritus Antonio Ledesma.

Napagkasunduan ng RCC at IFI ang pagsasapubliko ng mga dokumento sa August 15 kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 29,107 total views

 29,107 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 29,107 total views

 29,107 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 29,107 total views

 29,107 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 28,128 total views

 28,128 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 25,528 total views

 25,528 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top