Pangangailangan ng charity patients, tinutugunan ng UP-PGH Chaplaincy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 496 total reads

Patuloy na itinataguyod ng University of the Philippines – Philippine General Hospital Chaplaincy ang pamamahagi ng tulong at suporta sa mga pasyenteng naka-admit sa ospital lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Ito ang paraan ng UP-PGH Chaplaincy upang sa simpleng paraan ay makatulong sa mga pasyente na maibsan ang ibang alalahanin sa kabila ng mga iniindang karamdaman.

Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng ospital na maliban sa pagbisita sa mga pasyente upang maghandog ng mga panalangin at sakramento, namamahagi rin ang chaplaincy ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga charity patients.

“Hindi naman kami huminto sa aming regular visit sa COVID wards. Maliban sa aming usual visits to COVID patients to pray over and anoint them, we continue the feeding, pagbibigay ng [pagkain] every morning sa mga bantay na nasa labas ng [Emergency Rooms]. Patuloy din ang pamimigay namin ng groceries para sa lahat ng charity patients,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Maliban naman sa pamamahagi ng mga pagkain ay sinisikap rin ng chaplaincy na mamahagi ng mga facemasks at alcohol sa mga bantay ng bawat pasyente bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, nananawagan naman si Fr. Ocon para sa mga nais na magbigay ng donasyon at suporta upang maipagpatuloy ang kanilang pagkakawanggawa para sa mga higit na nangangailangan.

“Kami po ay kumakatok sa inyong puso na sana po kayo ay makatulong sa amin para matulungan din ang mga pasyente. Sana’y maipagpatuloy namin ang pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan nila, kung mayroon mang pwedeng tumulong. Mahalaga rin po ang pamimigay namin ng alcohol at facemask, kung mayroon pong gustong tumulong sa ganitong uri ng pangangailangan nila, welcome po at bukas po kami na tumanggap at humingi ng tulong para dito,” panawagan ni Fr. Ocon.

Nababahala naman si Fr. Ocon para sa kaligtasan ng mga non-COVID patients dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19 na dinadala sa PGH.

Batay sa ulat, umabot na sa 169 ang kumpirmadong COVID-19 patients o 75-porsyento ng 225 kapasidad ng COVID-19 Intensive Care Unit ng nasabing ospital.

Naitala naman ng Department of Health noong Agosto 7 ang 2,823 panibagong kaso – ang kasalukuyang pinakamataas na bilang ng mga nahawaan ng virus sa Metro Manila sa loob lamang ng isang araw.

Kasalukuyan namang umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa buong Metro Manila hanggang Agosto 20, 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,248 total reads

 75,248 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 153,559 total reads

 153,559 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,006 total reads

 187,006 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,303 total reads

 222,303 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 445,803 total reads

 445,803 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,664 total reads

 157,664 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top