Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 343 total views

Mga Kapanalig, ngayong Pasko, uso na naman ang bigayan ng aginaldo, at tiyak na magtatatalón sa saya ang sinumang makatatanggap ng sanlibong piso. Maaaring bihira ito ngayon dahil sa hirap ng buhay, kaya suwerte talaga kung ganito kalaki ang aginaldo mula kina ninong at ninang.

Ngunit sumagi na ba sa isip ninyo kung sinu-sino ang mga mukhang nakaimprenta sa ating sanlibong piso? Sila sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes-Escoda, at Vicente Lim.

Si Jose Abad Santos ay nagsilbing chief justice ng ating Korte Suprema. Ipinag-utos na patayin siya ng mga Hapón matapos niyang tumangging sumumpa ng katapatan at makipagtulungan sa mga mananakop.

Si Vicente Lim naman ay isang brigadier general na tumanggi ring sumuporta sa pagkontrol ng Japan sa ating bansa noon. Nagalit sa kanya ang mga mananakop matapos niyang sabihing mas gugustuhin niyang mamatay kaysa sa traydorin ang bayan. Sinuportahan niya ang mga grupong lumalaban sa mga Hapón, lalo na sa tinaguriang Battle of Bataan. Ngunit nadakip siya at iniutos na bitayin kasama ng limampu pang resistance fighters.

Ang nag-iisang babae sa salaping ito ay si Josefa-Llanes Escoda. Siya ang nagtatag ng Girl Scouts of the Philippines. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon, tumulong sila ng kanyang asawa sa mga Pilipino at Amerikanong sundalong ikinulong sa mga concentration camps. Ngunit sila ay inaresto at ikinulong sa Fort Santiago kung saan sila naiulat na pinatay.

Tatlo lamang sila sa mga bayaning Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II. Tatlo lamang sila sa mga Pilipinong tumindig laban sa mga mananakop at nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Ang ilagay ang kanilang mga mukha sa ating salapi ay maliit ngunit malalim na pag-alala sa kanilang kabayanihan at pagtanaw ng utang na loob sa kanilang kabayanihan.

Ngunit nabalitaan ninyo marahil ang announcement ng Bangko Sentral ng Pilipinas (o BSP) na baguhin ang disenyo ng sanlibong piso. Papalitan ang mga mukha nina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes-Escoda ng larawan ng agila. Para sa ilang mambabatas, ang hakbang na ito ng BSP ay maituturing daw na pagbura sa alaala ng mga Plipino sa pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani. At hindi malayong gawin din ito sa iba pang pera natin katulad ng limandaang piso, lalo pa’t laganap na laganap ngayon ang disinformation o pagbabaluktot sa mga totoong nangyari sa ating kasaysayan para lamang gumanda at bumango ang pangalan ng mga tao at pamilyang nagnakaw sa kaban ng bayan, umabuso sa mga karapatang pantao, at sakim sa kapangyarihan. Tikom naman ang bibig ng BSP tungkol sa desisyong palitan ang mga mukha sa ating sanlibong piso. Sinabi lamang nila na bahagi ito ng pagpapalit ng materyales na ginagamit sa paggawa ng perang papel.

Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, sinabi ni Pope Francis na nababahala siya sa mga nagsasabi sa mga tao, lalo na sa kabataan, na kalimutan na ang kanilang kasaysayan, na iwan na ang mga naging karanasan ng kanilang mga ninuno, at talikuran na ang nakaraan at tingnan na lamang ang kanilang hinaharap. Para sa Santo Papa, gawain ito ng mga taong nais pasunurin ang mga tao sa kung ano ang kanilang sasabihin at paniwalaing sila lamang ang tama at totoo. Dapat tayong maging mapagbantay sa mga nais baguhin at burahin ang ating kasaysayan kahit sa simpleng perang papel.

Mga Kapanalig, ang alaala ng ating mga bayani ay, katulad ng mababasa sa Mga Kawikaan 10:7, “alaala ng matuwid” na dapat manatili kailanman. Maaaring maliit na bagay lang para sa iba ang palitan ang disenyo ng ating salapi, ngunit huwag nating isawalambahala ang mga layuning nais baguhin ang kasaysayan at limutin ang mga tunay na bayani.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,289 total views

 3,289 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 16,429 total views

 16,429 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 22,402 total views

 22,402 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 28,157 total views

 28,157 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 35,419 total views

 35,419 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,290 total views

 3,290 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 16,430 total views

 16,430 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 22,403 total views

 22,403 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 28,158 total views

 28,158 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 35,420 total views

 35,420 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,849 total views

 40,849 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,230 total views

 36,230 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,234 total views

 48,234 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,276 total views

 56,276 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,833 total views

 47,833 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,258 total views

 46,258 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,044 total views

 48,044 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,969 total views

 44,969 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,283 total views

 59,283 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,973 total views

 62,973 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top