Pagkain at tubig para sa mga nasalanta, panawagan ng Diocese ng Surigao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total reads

Patuloy na nananawagan ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Surigao para sa mga higit na apektado ng Bagyong Odette sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon kay Bishop Antonieto Cabajog, kailangan ng mga nasalanta lalo na ang mga nasa evacuation centers ang basic necessities tulad ng pagkain at maiinom na tubig.

Ipinagpapasalamat naman ng obispo na natanggal na ang mga harang sa mga pangunahing kalsada sa Surigao del Norte upang mapabilis ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima.

“Priority needs po namin ang food and basic necessities tulad ng mga drinking water at pagkain… Mabuti na lang nabuksan na ang mga kalsada natin, highways connecting us to Butuan City and the rest of Mindanao para madaling makarating ang mga tulong,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cabajog sa Caritas Damayan Telethon sa Radio Veritas.

Ayon pa kay Bishop Cabajog, ito ang unang pagkakataon na kanyang nasaksihan at naranasan ang malakas na bagyo na nag-iwan ng matinding pinsala sa buong Surigao del Norte lalo na sa Siargao at Dinagat Islands.

“Ito ang pinakamalakas, so far. Ang lakas-lakas talaga, ‘yun bang wala ka nang makita. Ang ingay at ang lakas ng hangin. Grabe talaga ang ulan,” saad ng Obispo.

Bagama’t nahihirapan dulot ng malawakang pinsala ng bagyo, hindi pa rin nawawala sa mga residente ang pananampalataya na mas lalo pang nangibabaw sa kabila ng karanasan. n.

Nagpasalamat din si Bishop Cabajog sa Radio Veritas at Caritas Manila para sa pagkakataong naipabatid sa mga kapanalig ang kanilang sitwasyon sa Surigao del Norte lalo na’t wala pa ring maayos na suplay ng kuryente at linya ng komunikasyon.

Ang Diocese ng Surigao ay kabilang sa limang benepisyaryong diyosesis na tumanggap ng paunang tuilong mula sa Caritas Manila na nagkakahalaga ng P500,000.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,296 total reads

 75,296 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 153,604 total reads

 153,604 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,051 total reads

 187,051 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,348 total reads

 222,348 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 445,846 total reads

 445,846 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,665 total reads

 157,665 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top