Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglinang sa karungan at pananampalataya ng kabataan, tiniyak ng Diocese of Novaliches

SHARE THE TRUTH

 1,876 total views

Tiniyak ng Novaliches Diocesan Catechetical Foundation ang pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa paghuhubog ng karunungan at pananampalataya ng mga bata.
Sa ginanap na Jubilee for Kids ng diyosesis sinabi ni NDCF Director Fr. Eduardo Molina na mahalaga ang mga pagtitipong ginagawa ng simbahan na nakatuon sa mga bata bilang paraan ng pagbibigay ng katesismo at pagpapatibay ng samahan.

“Hindi lang basta activity to enjoy but also it gives the children opportunity for catechesis, to enjoy themselves and the company with each other; this is the effort of the diocese to reach out and care for the children,”
pahayag ni Fr. Molina sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na pinaigting din ng diyosesis ang pagpapadala ng mga full time catechist sa mga parokya lalo na sa mga may nasasakop ng pampublikong paaralan kung saan ito nagtuturo ng catechesis ng hanggang apat na beses kada linggo.

Aniya, ito ay bahagi ng konkretong tugon sa panawagan ng simbahan na paigtingin ang misyon sa mga komunidad kaya’t mahalagang maabot ang mga batang mag-aaral ng elementarya sa bawat lugar na sakop ng diyosesis.

Ayon pa kay Fr. Molina bukod sa pagtuturo ng mga katekista sa public schools may mga formation program ding isinasagawa sa mga parokya tuwing weekend para sa mga bata at kabataan.
“Jesus commissions us to continue His work, itong mga ginagawa ng NDCF, ng ating diocese, ay isa sa mga konkretong paraan of continuing the work in the mission of Jesus especially to children who are the future of our faith, and of the church,” dagdag pa ni Fr. Molina.

Nitong June 1 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon ay nagtipon ang mahigit 1, 000 kabataan sa Mater Carmeli School of Novaliches para sa Jubilee for Kids.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pagdiriwang ng Banal na Misa kasama si Fr. Molina
Katuwang ng NDCF sa programa ang Katolago sa pangunguna ng kanilang Pangulo, Ricci Parto – Dela Cruz kasama ang ilang kasapi ng organisasyon na sina Andrew Dela Cruz at Broadcast Journalist Mariz Umali.

Tampok sa pagdiriwang ang ilang interactive activities sa pangunguna ng mga katekista ng diyosesis at pagkakaroon ng programa tampok ang walong jubilee churches ng Novaliches.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 1,950 total views

 1,950 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 14,916 total views

 14,916 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 31,797 total views

 31,797 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 43,233 total views

 43,233 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 58,763 total views

 58,763 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 4,845 total views

 4,845 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top