Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,403 total reads

Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15

“Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang kapiling nila ang lalaking ikinakasal? Pagdating ng panahon na mawala sa piling nila ang ikinakasal, noon sila mag-aayuno.” Bakit kaya ikinukumpara ni Hesus ang pag-aayuno sa pagluluksa sa ating ebanghelyo? Pagnilayan natin ito.

Kailan ba tayo nagluluksa? Kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay. Hindi mo naman ipagluluksa ang pagkawala ng isang taong walang kinalaman sa buhay mo, di ba? Lalo na siguro kung ang namatay ay isang taong nang-api sa iyo o nagpahirap sa buhay mo. Baka nga masabi mo pang, “Ay salamat.” Huwag naman.

Minsan may kakilala ako na biglang namatayan ng magulang. Sabi niya sa akin matapos na i-bless ko ang tatay niya, “Nagsisisi ako. Sa sobrang busy ko, ang tagal ko siyang hindi man lang nadalaw o natawagan o nasamahan sa pagkain tulad ng dati. Ngayon, gustuhin ko man, wala na siya. Bakit nga ba kung minsan kailangan munang mawala ang mga taong malapit sa atin bago tayo mamulat kung gaano natin sila kamahal o gaano sila kahalaga sa buhay natin?

Kaya siguro kinukumpara ang pagluluksa sa pag-aayuno, kasi kapag nagluluksa tayo parang nawawalan din tayo ng ganang kumain o magbihis, o mamasyal o makipagkwentuhan. Nami-miss mo ang dating kasalo mo sa pagkain, kakuwentuhan o kasamang namamasyal. Kung minsan, importante ang makaranas ng pagluluksa para makapasok tayo sa espasyo sa loob natin na parang biglang nabakante, nawalan ng laman, at nawalan din ng liwanag nang mawala ang tinuturing mong kabahagi ng buhay mo. Pilit mo siyang binubuhay sa alaala, pinanatili sa puso, para kahit wala na siya parang naririyan pa rin siya sa piling mo.

Ganyan naman ang presensya o pananatili natin sa isa’t isa. Hindi lang sa pisikal, pwede ring sa espiritwal. HIndi lang sa labas kundi sa loob natin. Minsan hindi tayo makakain dahil ibig hinahanap natin ang ibang klaseng pagkain na hindi tiyan kundi kaluluwa ang kayang busugin.

Iyon ang pag-aayuno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,552 total reads

 22,552 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,954 total reads

 59,954 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,165 total reads

 78,165 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,493 total reads

 162,493 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,804 total reads

 198,804 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BASBAS NI NANAY

 7,845 total reads

 7,845 total reads Homiliya para sa araw ng paggunita sa kapistahan ni Santa Monica, ina ni San Agustin, 27 ng Agosto 2026, 1 Cor 1,1-9; Mateo

Read More »

THE “SON OF MAN”

 12,846 total reads

 12,846 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 9,631 total reads

 9,631 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 21,580 total reads

 21,580 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »
Scroll to Top