Pagluwag sa mga panuntunan laban sa COVID-19, hindi napapanahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total reads

Nangangamba si Fr. Dan Cancino, MI sa maaaring maging epekto sa mamamayan ng panibagong panuntunan ng pamahalaan sa paggamit ng face mask sa kabila ng coronavirus disease pandemic.

Ayon kay Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, hindi pa napapanahong luwagan ang mga panuntunan laban sa COVID-19 dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso sa bansa.

Maliban dito, sinabi ng pari na hindi pa rin naaabot ng bansa ang 50 porsyento ng COVID-19 booster vaccination.

“This move might give a complacent atmosphere and even putting COVID-19 vaccination not a priority because anyway there is easiness of wearing face mask in public,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Iginiit ni Fr. Cancino na ang dapat gawin ng pamahalaan ay paigtingin pa ang programa sa pagpapabakuna lalo na sa mga may karamdaman, matatanda, at mga pamayanang hindi maabot ng serbisyo.

Paliwanag ng opisyal ng CBCP na kapag naisakatuparan ito, saka pa lamang dapat isaalang-alang ang pagluwag ng mga panuntunan laban sa virus.

“Increase first the accomplishment of the booster especially across vulnerable population and those at risk. Only when we have reached a good percentage of fully vaccinated plus booster, we review this voluntary face mask use,” giit ni Fr. Cancino.

Sa tala ng Department of Health, nasa halos 162 milyon na ang bilang ng mga nakapagpabakuna ng COVID-19 vaccine sa bansa kabilang na ang 18-milyong populasyon na nakatanggap ng booster dose.

Samantala, sinabi ni Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakikita na ang katapusan ng pandemya, ngunit hindi ito nangangahulugang tuluyan nang mawawala ang COVID-19.

Ayon kay Vergeire, kailangan pang paigtingin ang healthcare system sa bansa upang matiyak ang kahandaan laban sa anumang malalang karamdaman at maitaguyod ang kaligtasan ng mamamayan.

“What we need to do is to strengthen our healthcare system, strengthen the immunity of the population through vaccination, and ready our healthcare facilities so that ‘pag dumating ang punto na ‘yan, lahat tayo ay prepared, wala tayong pangangamba at tayo po ay protektado,” ayon kay Vergeire.

Sa kasalukuyan, aabot na sa halos apat na milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa kung saan nasa higit 62-libo ang naitalang nasawi magmula nang lumaganap ito dalawang taon na ang nakakalipas.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 247 total reads

 247 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,464 total reads

 2,464 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 9,618 total reads

 9,618 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 46,998 total reads

 46,998 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 78,269 total reads

 78,269 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 155,201 total reads

 155,201 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 248,970 total reads

 248,970 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,135 total reads

 73,135 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top