Pagbawi ng Tampakan LGU sa mayor’s permit ng Sagittarius Mines, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 797 total reads

Ikinagalak ng Tampakan Forum ang desisyon ni Tampakan, South Cotabato Mayor Leonard Escobillo na bawiin ang Mayor’s permit para sa Sagittarius Mines, Inc na nagpapatakbo sa Tampakan Gold-Copper Project.

Bunsod ito ng pandaraya at maling representasyon sa layunin ng kumpanya sa proyektong pagmimina sa lupain ng South Cotabato.

Ayon kay Marbel Diocesan Social Action Director Fr. Jerome Millan, ito ay magandang balita dahil muling nabigyan ng pag-asa ang mamamayan ng South Cotabato upang mapangalagaan ang mga likas na yaman ng lalawigan laban sa tuluyang pinsalang dulot ng pagmimina.

“The revocation can be considered as another victory towards stopping SMI from operating in the area. We laud the LGU for this positive move,” pahayag ni Fr. Millan.

Sinabi naman ni Alyansa Tigil Mina National Coordinator Jaybee Garganera na ipinamalas ng lokal na pamahalaan ng Tampakan ang pagiging mabuting lingkod ng bayan upang pakinggan ang panawagan ng mamamayan at isinasaalang-alang ang ikabubuti ng kinasasakupan.

“We commend the local government of Tampakan for applying the law and holding the mining company accountable for its false statements in its Mayor’s Permit documents,” ayon kay Garganera.

Umaasa naman ang Tampakan Forum na mananatili ang paninindigan ng Tampakan LGU upang tuluyan nang mapigilan ang pagmimina sa lugar, gayundin ang layuning pangalagaan ang kalikasan laban sa pagpasok ng mga mapaminsalang kumpanya.

Ang Tampakan Forum ay pinangungunahan ng Diyosesis ng Marbel kabilang ang iba’t ibang makakalikasang grupo na mahigpit na tumututol sa Tampakan Mining Project.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 63,065 total reads

 63,065 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 98,983 total reads

 98,983 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 134,283 total reads

 134,283 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 360,553 total reads

 360,553 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 250,391 total reads

 250,391 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,574 total reads

 154,574 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top