Spirituality on Stewardship, palalaganapin ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,317 total reads

Umaasa si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang bawat tao ay maging mabuting katiwala ng Panginoon sa mundo.

Ito ang pagninilay ng obispo sa patuloy na pagsusulong ng ‘spirituality on stewardship’ ng simbahan sa Pilipinas.

Ayon kay Bishop Pabillo nawa’y sikapin ng bawat isa na pahalagahan ang bawat biyayang ipinagkaloob sa tao sapagkat ang mundo ay para sa kapakinabangan ng lahat at hindi para sa iilan lamang.

“Sana maging mabubuting katiwala tayo sa ating pamamahala sa mga bagay ng mundong ito upang makamit natin ang tunay na mahahalaga sa tahanan ng ating Ama…Bilang katiwala, sikapin natin na pamahalaan ang mga bagay sa mundo para sa maraming tao, hindi lang para sa atin at hindi lang para sa iilan,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Batid ng opisyal na mayaman sa likas na yaman at material resources ang mundo lalo na ang Pilipinas subalit iilan lang ang nakikinabang habang karamihan ay naghihirap dahil sa malawakang korapsyon.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na dahil sa pananamantala kaya’t 80-porsyento sa mga Pilipino ang naghihikahos at nagugutom sa kabila ng pagsusumikap na maghanapbuhay.

“Nahihirapan sila kasi hindi sila nabibigyan ng pagkakataon, na sila ay pinagsasamantalahan at nilalamangan,” ani ng obispo.

Una nang sinabi ni Bishop Pabillo na mahalaga ang pagiging mabuting katiwala sa panahon, talento at kayamanan sapagkat ito ang mga bagay na nakalulugod sa Panginoon.

Inihayag ng Obispo na nararapat maglaan ng panahon ang tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon at higit mapalalim ang pananampalataya.

Bukod pa rito ang pagiging mapagkawanggawa sa kapwa lalo na sa higit nangangailan sa lipunan.

Isa sa mga tinututukan ng Office on Stewardship ang pagbuwag sa arancel system ng mga simbahan sa Pilipinas at pagsusulong ng balik-handog program para suportahan ang parokya sa tulong ng nasasakupang komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 64,801 total reads

 64,801 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 100,578 total reads

 100,578 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 135,878 total reads

 135,878 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 362,148 total reads

 362,148 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 251,896 total reads

 251,896 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top