Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagmamahalan at pagpapatawad, hamon ni Cardinal Advincula sa pamilyang Pilipino

SHARE THE TRUTH

 8,671 total views

Ipinaalala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga pamilya na paigtingin ang pagmamahalan at paghariin ang pagpapatawad sa puso.

Ito ang mensahe ni Caridnal Advincula sa fiesta mass ng Holy Family Parish ng Diocese of Novaliches.

Ayon kay Cardinal Advincula, katulad ng kasagraduhan ng Holy Family si Jesus, Maria at Joseph ay patuloy na mamayani ang pagmamahalan ng bawat kabilang sa pamilya.

“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa pagtipon niya sa atin bilang kaniyang pamilya upang kaniyang busugin ng kaniyang salita at katawan, at dugo, mahalaga ang pamilya, kahit ang Diyos, ng pinili niyang magkatawang tao, pinili niyang maging bahagi ng isang pamilya, pinili niyang manahan sa sinapupunan ng ina, sa siyam na buwan upang maging bahagi ng isang pamilya, umuuwi tayo sa pamilya kapag nasasaktan tayo, nagugutom, naguguluhan sa mga pangyayari sa buhay, tahanan ang ating uwian bilang pamilya,” ayon sa pagninilay ng Arsobispo.

Tiniyak naman ng Diocese of Novaliches ang pagsusulong sa kasagraduhan at kahalagahan ng pamilya bilang pundasyon ng lipunan.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, mahalagang mapanatili ang pagkakaisa at pagtutulungan ng pamilya upang malampasan ang anumang pagsubok.

“Paanyaya po ng ating kapistahan ay tayo ay tunay na mabuo at magkaisa sa pamilya, isabuhay ang pagpapahalaga, isabuhay ang ugnayan sa pamilya para tunay nating mapanatili ang pagiging pamilya, siguro unang-unang kilalanin muna si Maria, pati si Hesus paano nga ba sila namuhay dito sa lupa? para alam natin kung sino yung gagayahan natin at tutularan natin at tayo din ay maging halimbawa sa ating kapwa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Gaa.

Nangako din si Fr. Wilmer Samillano Sch. P, na bilang pastol ay titiyakin na mananatiling sagrado ang pamilya sa pamamagitan ng pagdedebosyon sa mga katuruan ng Holy Family.
Inihayag ng Pari na kung magiging masaya at matatag ang pamumuhay ng isang pamilya kung naka-sentro sa panginoon ang kanilang pamumuhay sa gitna ng maraming banta na maaring sumira dito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 1,952 total views

 1,952 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Mapaminsalang dredging sa Abra River

 13,212 total views

 13,212 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana

Read More »

Pandaraya sa mga magsasaka

 23,757 total views

 23,757 total views Mga Kapanalig, lahat tayo’y nagulantang at nadismaya sa eskandalong bumabalot sa flood control projects ng DPWH. Ang pera kasing galing sa taumbayan—perang dapat

Read More »

Pera ng taumbayan para sa taumbayan

 34,377 total views

 34,377 total views Mga Kapanalig, pumasá na sa third and final reading ang House Bill No. 4058 o ang bersyon ng House of Representatives ng 2026

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 7,680 total views

 7,680 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Mati, umaapela ng tulong

 21,801 total views

 21,801 total views Umaapela ng tulong ang Diocese of Mati Social Action Center para sa mga mamamayang naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol sa Manay, Davao

Read More »
Scroll to Top