Pagpahintulot ng FDA na gamitin ang Sinovax vaccine sa Senior citizen, suportado ng PGH chaplain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 298 total views

Sang-ayon si Jesuit Priest Rev. Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital sa desisyon ng Food and Drug Administration na pahintulutan na ang mga Senior Citizens na makatanggap ng Sinovac vaccine laban sa coronavirus disease.

Ito’y bunsod ng kakulangan ng supply ng AstraZeneca vaccine na mas epektibo ng 85 porsyento, kumpara sa Sinovac vaccine na epektibo lamang ng 50-poryento sa mga may edad 65 pataas.

Ayon kay Fr. Ocon, malaking bagay at mas makabubuti ito para sa mga nakatatanda kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nagdudulot ng labis na pangamba sa mga tao.

“As long as aprubado naman ng mga health experts, kahit sabihin mong hindi siya kasing effective ng ibang brand, para sa akin maigi na rin yung mayroon ka talaga ding depensa kaysa wala,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Department of Health na bago bakunahan ang mga senior citizens ay isasailalim muna ang mga ito sa pagsusuri upang matiyak na maaari silang makatanggap ng COVID-19 vaccine.

Samantala, hinihimok naman ng pari ang publiko na alisin na rin ang pangamba hinggil sa Sinovac vaccine bagamat ito’y likha mula sa China.

Sa halip, ayon kay Fr. Ocon ay magtiwala lamang sa magiging positibong epekto nito sa katawan ng tao na makatutulong sa pag-iwas at patuloy na paglaganap ng virus.

“Alam naman natin kung saan nanggaling ‘yung takot at pagdududa ng mga tao dahil ‘yung bakuna ay galing sa China. Pero sa panahon ngayon, siguro kailangan na rin nating magtiwala sa mga taong gumawa ng pagsusuri at pananaliksik tungkol sa bakuna,” ayon kay Fr. Ocon.

Ipinayo ng pari na patuloy lamang sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield maging ang paggamit ng alcohol upang makaiwas na mahawaan ng virus.

Gayundin ang pananalangin sa Panginoon na nawa’y ipag-adya ang lahat sa panganib at tuluyan nang malunasan ang pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 33,313 total views

 33,313 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 33,313 total views

 33,313 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 33,313 total views

 33,313 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 32,187 total views

 32,187 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 29,260 total views

 29,260 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top