Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapahinto sa PAREX project, panawagan ng Diocese of Pasig

SHARE THE TRUTH

 12,442 total views

Hinimok ng Diocese of Pasig Ministry on Ecology ang mamamayan na makiisa sa panawagan sa pangangalaga at pagpapanumbalik sa mga ilog para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon.

Ayon kay Ecology ministry director, Fr. Melvin Ordanez, ang mga ilog ay nagbibigay-buhay, hindi lamang sa mga nilalang na umaasa rito, kundi maging sa aspeto ng espiritwal na pamumuhay.

Ang panawagan ni Fr. Ordanez ay kaugnay sa pagdiriwang ng World Rivers Day (WRD) 2024 kung saan kabilang sa mga pinagtutuunan ay ang Ilog Pasig na nahaharap sa banta ng proyektong Pasig River Expressway (PAREX) Project.

“We should cherish this beautiful gift, a symbol of life and hope. May we be good stewards in restoring the beauty of the Pasig River,” pahayag ni Fr. Ordanez sa panayam ng Radio Veritas.
Hinamon ng pari ang bawat isa na gampanan ang tungkulin bilang mga katiwala ng mga likas na yaman tulad ng mga ilog, bilang pagpapakita ng malasakit at pasasalamat sa mga biyayang handog ng Diyos.

Pagbabahagi ng pari, saksi sa kasaysayan ang Pasig River, maging ang iba pang mga ilog sa bahagi ng Taguig City at Pateros sapagkat dito dumaan ang mga misyonero upang maipalaganap ang pananampalataya sa diyosesis.

“The history and faith brought by the rivers in Pasig, Pateros, and Taguig is significant, as these are the paths taken by the first missionaries in our diocese,” ayon kay Fr. Ordanez.
Nitong September 22 ay nakatuwang ng grupong Ilog Pasiglahin ang ecology ministry ng diyosesis sa inilunsad na programa para sa pagdiriwang ng WRD 2024.

Tema ng gawain ang “Ilog para sa Lahat: Makatao at Makalikasan; PAREX, Wakasan na!”, na layong sama-samang itaguyod ang makatao at makakalikasang pag-unlad para sa tunay at inklusibong rehabilitasyon ng Ilog Pasig.

Una nang nagpahayag ng pagtutol ang Diocese of Pasig hinggil sa PAREX project dahil sa pinsalang maaaring idulot nito sa Ilog Pasig, lalo na sa mga pamayanan, kultura, at kapaligiran ng buong Metro Manila.

Nagkakahalaga ng P95-bilyon ang proyekto at may habang higit 19-kilometro na babagtasin ang kahabaan ng Pasig River mula Maynila patungong Taguig City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,400 total views

 70,400 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,395 total views

 102,395 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,187 total views

 147,187 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,162 total views

 170,162 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,560 total views

 185,560 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,181 total views

 9,181 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,304 total views

 6,304 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top