Pagpapalakas ng Pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,378 total reads

Mahirap maging magulang ngayon sa ating panahon. Mas maraming mga bagay at tao ang nakikipagtunggali sa atensyon at imahinasyon ng ating mga kabataan. Sabay nito ay ang napakaraming hamong pangkabuhayan na hinaharap ng ating mga magulang. Kamusta na nga ba ang pamilyang Filipino ngayon?

Alam mo kapanalig, isa sa mga sinasabing pinakamalaking pressure ng mga magulang sa ating bayan ay ang pagbabalanse ng kanilang “presence” sa kanilang pamilya at ng pangangailangan nilang lisanin ang tahanan para lamang kumita. Itinuturing na ngang luxury ngayon ang family time dahil kapanalig, kahit pa hindi ka mag-abroad ngayon, ang hirap makahanap ng panahon na makasama ang mga anak dahil sa trapik pa lang sa ating lansangan, ubos na ang ating oras.

Kaya nga’t hindi na nakakapagtaka na ayon sa 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS5) isang pag-aaral ng UP Population Institute, 67% lamang ng ating mga kabataan ang napapalaki ng parehong magulang. Sa mga may edad 15-19 years old, 65% lamang, habang sa mag edad 2024, 68%. Mababa ito kumpara sa mga datos mula 1994 hanggang 2013 kung saan mga 84% ng mga kabataan ay napapapalaki pa ng parehong nanay at tatay. Ngayon, mga 18%  ay mga nanay na lamang ang kasama, habang mga 4%, tatay naman. Mga 7% naman ay pinalaki ng mga ibang tao o kaanak, gaya ng mga lolo at lola.

Ang pangkaraniwang rason nito ay dahil sa pangangailangan magtrabaho sa malayong lugar (45%), paghihiwalay ng mag-asawa (38%), at kamatayan ng magulang (17%). Sa paglipas ng panahon, mas lalong naging maraming nagsasabi na ang pangangailan sa pagtatrabaho sa malayong lugar ang pinakamalaki at komon na dahilan. Nakikita rin ito sa dami ng mga OFWs ngayon, na tinatayang nasa mahigit 2.3 milyon na, base sa opisyal na datos.

Kapanalig, mahirap na sitwasyon ito, lalo pa’t ang teenage years ang mga panahon kung kailan mas kailangan ng gabay ng ating mga anak. Hindi natin masisi ang mga magulang na piliing magtrabaho sa malayong lugar dahil para rin naman ito sa survival ng kanilang pamilya. Liban dito, hindi lamang pamilya nila ang kanilang natutulungan. Sa totoo lang, nasasalba din nila ang ekonomiya ng bansa.

Sa ganitong sitwasyon, kailangan ng umaksyon hindi lamang ng pamahalaan, kundi ang kabuuan ng ating lipunan. It takes a village to raise a child. Sa ating pangangalaga sa kanila, ang buong bayan natin, pati ang kinabukasan natin, ay ating ding naalagaan. Unang una, liban sa pagbibigay proteksyon sa mga naiwang anak, kailangan ding bigyang proteskyon ang mga OFW sa ibang bansa. Kailangan din nating gawain mas accessible ang teknolohiya sa kanila upang tuloy tuloy ang kanilang komunikasyon sa  kanilang pamilya. Sa komunidad naman, lahat tayo ay dapat magmonitor at magmasid sa welfare at kaligtasan ng mga bata. Ilan lamang ito sa ating  maaring gawin.

Payo nga ng Pacem in Terris: Ang pamilya ang una at mahalagang selula ng lipunan ng tao. Ang pinakamaingat na probisyon ay dapat gawin para sa kanila upang mapapalakas ang pamilya at maisagawa nito ang kanyang tungkulin at papel sa lipunan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 17,219 total reads

 17,219 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 81,516 total reads

 81,516 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 118,304 total reads

 118,304 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 148,878 total reads

 148,878 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 198,510 total reads

 198,510 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 260,108 total reads

 260,108 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Karagatan para kanino?

 81,517 total reads

 81,517 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 118,305 total reads

 118,305 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 148,879 total reads

 148,879 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top