Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SSMNA, nagbigay pugay sa mga katutubo

SHARE THE TRUTH

 3,355 total views

Ipagpatuloy ang laban para sa Sierra Madre at sa mga susunod na henerasyon.

Ito ang pahayag ni Diocese of Infanta Indigenous Peoples` Apostolate coordinator, Fr. Pete Montallana, OFM kaugnay sa paggunita sa Linggo ng mga Katutubo.

Ayon kay Fr. Montallana, ang mga katutubo ang inspirasyon ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNA) sa pangangalaga sa inang kalikasan lalo na sa Sierra Madre na nanganganib na mapinsala dulot ng pag-unlad.

“Napakahalaga nila (katutubo) kasi sila ang nagtuturo kung paano natin dapat ituring ang kalikasan. Bahagi ng ating buhay ang kalikasan at kailangan din na tayo’y magbigay buhay sa kalikasan,” pahayag ni Fr. Montallana.

Patuloy ang pagiging aktibo ng SSMNA sa pagtataguyod sa bulubundukin laban sa malalaking proyekto tulad ng Kaliwa Dam na sumira sa mga katutubong lupain at nagdulot ng panganib sa buhay ng mga katutubo.

Samantala, iginiit naman ng pari na ang kalikasan ay hindi lamang bahagi ng buhay, bagkus buhay na dapat pagyamanin at pangalagaan ng bawat isa.

Sa ganitong paraan ay nagagampanan ng tao ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha na handog lamang ng Diyos, at hindi dapat angkinin kahit sino man.

“Sa bawat hakbang na ating ginagawa, sana ay maging salamin ito ng mga aral at paniniwala ng ating mga katutubo,” ayon kay Fr. Montallana.

Itinalaga sa Pilipinas ang ikalawang Linggo ng Oktubre bilang Indigenous Peoples’ Sunday upang kilalanin ang mahalagang gampanin ng mga katutubo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,148 total views

 46,148 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,143 total views

 78,143 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,935 total views

 122,935 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,116 total views

 146,116 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,515 total views

 161,515 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 4,459 total views

 4,459 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top