Kalayaan sa kahirapan, katiwalian at kawalang-katarungan, hindi pa rin natatamasa ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,243 total views

Sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, binigyang-diin ni Fr. Angel Cortez, OFM, co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), na hindi pa ganap na natatamasa ng maraming Pilipino ang bunga ng kalayaan dahil sa patuloy na kahirapan, katiwalian, at kawalang-katarungan.

Sa tulang pinamagatang “Pilipinas, Malaya Nga Ba?”, inilarawan ni Fr. Cortez ang mga hamong kinakaharap ng bansa sa kabila ng kalayaang nakamit nito mula sa mga dayuhang mananakop.

“Malaya nga ba ang bayang ito kung marami ang walang tinig na marinig, kung ang katotohanan ay nababaon sa ingay, at ang katarungan ay tila mailap na awit?” ayon kay Fr. Cortez.

Iginiit ng pari ang patuloy na nararanasang kahirapan ng maraming Pilipino habang nasasangkot naman sa mga usapin ng katiwalian ang ilang nasa kapangyarihan.

Binigyang-pansin din niya ang kultura ng takot, maling paggamit ng kapangyarihan, at paglimot sa tunay na diwa ng paglilingkod-bayan.

Nagpahayag din si Fr. Cortez ng pagkabahala sa mga kabataang nawawalan ng pag-asa sa kanilang kinabukasan sa sariling bayan.

“Malaya nga ba kung ang kabataan ay nangangarap umalis, sapagkat sa sariling lupain ay hirap silang makita ang bukas?” dagdag pa ni Fr. Cortez.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng paring Franciscano na nananatiling buhay ang pag-asa dahil sa mga mamamayang patuloy na nagmamahal, naglilingkod, at nagsusulong ng kabutihan sa lipunan.

Ipinaalala rin niya na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang nasusukat sa mga seremonya at pagdiriwang kundi sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan, at dignidad ng bawat tao.

Ayon sa pari, magiging ganap lamang ang kalayaan ng bansa kapag walang mamamayang naiiwan sa laylayan, may tunay na pananagutan ang mga nasa kapangyarihan, at may pantay na pagkakataon ang lahat na makibahagi sa paghubog ng kinabukasan.

“Kaya’t Pilipinas, malaya ka pa lamang nang ganap kapag walang naiiwan sa laylayan, kapag ang kapangyarihan ay tunay na pananagutan, at kapag ang bawat mamamayan ay may lugar sa mesa ng kinabukasan,” saad ni Fr. Cortez.

Hinamon din ni Fr. Cortez ang mamamayan na patuloy na suriin ang kalagayan ng bansa at pagnilayan ang tunay na kahulugan ng kalayaan para sa bawat Pilipino.

Pormal na idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa kolonyal na pamamahala ng Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite, sa pangunguna ni General Emilio Aguinaldo, kasabay ng pagwawagayway ng watawat at pagpapatugtog ng pambansang awit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 189,740 total views

 189,740 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 219,962 total views

 219,962 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 246,608 total views

 246,608 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 341,581 total views

 341,581 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 350,307 total views

 350,307 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top