Panalangin para sa mga social workers, ipinag-utos ng CBCP sa lahat ng diyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,326 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga obispo at tagapangasiwa ng mga diyosesis sa bansa na isama sa mga banal na misa sa Hunyo 19 ang natatanging panalangin para sa mga Pilipinong social worker bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Filipino Social Workers’ Day.

Sa liham sirkular, sinabi ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera na ang hakbang ay tugon sa panibagong kahilingan ng mga miyembro ng propesyon ng social work at pagpapatuloy ng naging positibong pagtanggap sa kaparehong inisyatiba sa mga nagdaang taon.

Ayon kay Archbishop Garcera, mahalagang maipadama ng Simbahan ang espirituwal na pakikiisa sa mga social worker na tahimik na naglilingkod sa mga pinakamahihirap at higit na nangangailangan sa lipunan.

“These men and women labor in challenging contexts — accompanying children in need of care and protection, assisting families in crisis, supporting women in difficult situations, and responding to communities affected by poverty and disaster,” pahayag ni Archbishop Garcera.

Binigyang-diin din ng arsobispo na ang kanilang paglilingkod ay sumasalamin sa mga pagpapahalagang itinataguyod ng Ebanghelyo tulad ng habag, katarungan, at pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao.

Dahil dito, hinikayat niya ang mga obispo na mag-alay o magpatupad ng banal na misa sa Hunyo 19 para sa lahat ng mga Pilipinong social worker at, kung maaari, ay maiparating din ang nasabing intensyon sa mga parokya at relihiyosong komunidad sa kanilang nasasakupan.

“Such a simple yet meaningful gesture of prayerful remembrance will surely be a source of encouragement and spiritual strength for those engaged in this demanding vocation of service, and a sign of the Church’s closeness to them,” dagdag ni Archbishop Garcera.

Idineklara ang Filipino Social Workers’ Day tuwing Hunyo 19 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 1176 bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga social worker sa pagtataguyod ng kapakanan, dignidad, at karapatan ng mamamayan, lalo na ng mga mahihirap at mahihinang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 59,051 total views

 59,051 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 72,628 total views

 72,628 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 101,192 total views

 101,192 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 149,460 total views

 149,460 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 140,764 total views

 140,764 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top