Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalawak ng debosyon kay San Isidro Labrador, paiigtingin

SHARE THE TRUTH

 9,923 total views

Sisikapin ng Diocesan Shrine of San Isidro Labrador sa Pulilan Bulacan ang patuloy na paggawa ng mga hakbang na mapalawak ang debosyon kay San Isidro Labrador.

Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest, Msgr. Dario Cabral bilang dambana ni San Isidro Labrador ng Diocese of Malolos pangunahin nitong gawaing pagbuklurin ang mga parokya at kapilyang nakatalaga sa santo upang ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro.

“Bilang diocesan shrine naging responsibilidad namin na i-coordinate at magkaroon ng linkage ang lahat ng San Isidro Labrador Parishes and chapels na magtipon once a year na dapat ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro na paalala sa lahat lalo na sa mga tumatalikod sa Diyos na patuloy pakinggan ang tawag ng Diyos sa kabanalan,” pahayag ni Msgr. Cabral sa Radio Veritas.

Sinabi ng pari na sa inisyatibo ng dambana ay ginamit nitong pagkakataon ang canonization ng patron upang ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro Labrador sa pamamagitan ng paglunsad ng Grand Isidorian Procession.

Ikinatuwa ni Msgr. Cabral na bukod sa mga parokya at kapilyang nakatalaga kay San Isidro sa diyosesis ay nakilahok din sa gawain ang iba pang mga parokya ni San Isidro mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nitong March 12 sa 403rd canonization anniversary ng santo nasa 11 parokya ang lumahok sa pagdiriwang kung saan bago ang prusisyon ay pinangunahan ni Msgr. Cabral ang Banal na Misa.
Tinuran din ng pari na bilang patron ng mga magsasaka si San Isidro ay nililingap din nito ang sektor ng agrikultura kung saan noong 2022 sa ikaapat na sentenaryo ng pagiging banal ay inilunsad ng dambana ang national convention para sa mga magsasaka na layong hubugin ang kanilang espiritwalidad ayon sa mga halimbawa ni San Isidro.

“May convention para sa mga magsasaka hindi lamang para ma-develop ang kanilang pangkabuhayan kundi mahubog din spirituality ng magsasaka sa farming, ecology at love for environment,” ani ng pari.

Binigyang diin ni Msgr. Cabral na ang mga pagdiriwang sa buhay ni San Isidro ay paanyayang pagtuunan ang tawag ng kabanalan at isulong ang pagtataguyod sa kultura at mga tradisyon.
Samantala ipinagpasalamat din ni Msgr. Cabral ang pagkakataong tinanggap ang pagkilala bilang monsignori ng simbahang katolika noong March 11 isang araw bago ang canonization anniversary ni San Isidro na pawang mahalaga sa kanyang bokasyon sa pagpapari.

“Magandang okasyon na lingunin ang pagkapari; nakikita ko rito ang significance of the role of the priest in making the call of God to holiness more loudly and clearly listened to. Lahat ng pagkakataon dapat makita nating itinuturo tayo nito patungo sa Diyos na tumatawag sa atin sa kabanalan,” giit ni Msgr. Cabral.

Si San Isidro Labrador ay ganap na naging santo noong March 12, 1622 sa ritong pinangunahan ninoo’y Pope Gregory XV kasabay sina Sts. Ignatius, Francis Xavier, Teresa, at Philip Neri.
Kilala ang santo sa pagiging masigasig na mananampalatayang maagang gumigising at naglalaan ng oras sa Panginoon sa tuwing umaga bago tumungo sa kanyang bukirin at nagsasagawa ng pilgrimage sa mga simbahan sa Madrid Spain at kalapit na mga lugar kasama ang kanyang maybahay na si St. Maria de la Cabeza.

Bukod sa pagiging patron ng mga magsasaka at rural commuities kilala rin itong pintakasi ng Madrid, Spain.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,118 total views

 18,118 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 29,096 total views

 29,096 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,547 total views

 62,547 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,862 total views

 82,862 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,281 total views

 94,281 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top