Bishop Santos, nakiramay at nakiisa sa mga biktima ng Russian missile strike sa Ukraine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,079 total views

Nakiramay at nakiisa ang Stella Maris Philippines sa mga biktima ng Russian missile strike sa cargo ship MJ Pinar sa Odesa, Ukraine.

Ayon kay CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos lubhang nakababahala ang sitwasyon ng mga seafarers na patuloy nagsusumikap para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Tiniyak ng obispo ang pananalangin para sa naiwang kaanak habang katatagan at kagalingan sa mga nasugatan sa insidente.

“We extend our deepest condolences and unwavering solidarity to the seafaring community affected by this devastating event. We stand united in prayer for the souls of the departed and for the swift recovery of those injured. We also pray for the safety and well-being of all seafarers who continue to face perilous conditions in their line of duty,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Batay sa ulat tinamaan ng Russian missile attack ang cargo ship sa Black Sea na ikinasawi ng apat na Syrian crews habang nasugatan ang isa pang Syrian at Ukrainian crew ng barko.

Nagkarga ng mga trigo ang barko na dadalhin sa Algeria nang mangyari ang insidente.

Muling umapela si Bishop Santos sa international community na paigtingin ang mga hakbang upang mawakasan ang madugong tatlong taong digmaan ng Russia at Ukraine dahil pawang pagdurusa lamang ang idinudulot nito sa lipunan.

“We call upon the international community to work towards ensuring the safety and security of all maritime workers, and to seek peaceful resolutions to conflicts that endanger innocent lives,” ani Bishop Santos.

Samantala matapos ang tensyon sa pulong nina Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy at US President Donald Trump muling sinuportahan ng Amerika ang Ukraine lalo na ang pagkakaroon ng 30 araw na ceasefire sa pagitan ng Russia.

Bagamat patuloy na nagpapagaling si Pope Francis sa kanyang karamdaman nanatiling kabilang ang Ukraine at iba pang mga bansang may digmaan sa pangunahing ipinapanalangin ng santo papa at panawagan ang dayalogo sa pagitan ng mga magkatunggaling bansa upang manaig ang pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 34,665 total views

 34,665 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 62,670 total views

 62,670 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 80,470 total views

 80,470 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 79,103 total views

 79,103 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 188,944 total views

 188,944 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 10,442 total views

 10,442 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top