Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalaya sa Magsasaka Partylist nominee, apela ng ATM sa PNP

SHARE THE TRUTH

 7,932 total views

Umaapela ang Alyansa Tigil Mina sa mga kinauukulan sa agarang pagpapalaya kay Magsasaka Partylist nominee Lejun dela Cruz.

Kilala si Dela Cruz bilang lider ng mga manggagawa at magsasaka, tagapagtanggol ng mga nasa laylayan at karapatang pantao, kabilang ang pagtutol sa mapaminsalang malawakang pagmimina.

Gayunman, si Dela Cruz ay sinasabing biktima ng tangkang pagpaslang at pisikal na pananakit ng ilang kawani ng Philippine National Police (PNP).

Mariing kinondena ng ATM ang insidenteng ito at iginiit na ang kalupitang dinanas ni dela Cruz sa mga pulis ay bahagi ng sistematikong pang-aabuso ng estado na pigilan at hadlangan ang karapatan at kalayaan ng mamamayan.

“Lejun is a dedicated organizer and leader of marginalized groups, who has been recently a target of state violence and fabricated charges. The brutality he suffered under the hands of police agents is part of a pattern of systemic abuses by the state, which is bent on suppressing the hard-earned human rights and freedoms of political activists,” pahayag ng ATM.

Nanawagan din ang ATM ng pananagutan mula sa mga sangkot sa tangkang extrajudicial killing kay Dela Cruz at naghayag ng pakikiisa sa lahat ng grupong nagsusulong ng karapatang pantao para sa lahat.

Bukod dito, tiniyak ng grupo ang patuloy na paninindigan sa pagsusulong ng karapatang panlipunan para sa kapakanan ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap at inaapi.

Like Lejun and all human rights and environmental defenders, we remain committed in pursuing social justice towards a truly equitable and democratic Philippine society,” saad ng ATM.

Unang binigyang-diin sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang panawagan sa mamamayan at mga may katungkulan sa pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang walang kabuluhang pakikitungo sa environmental defenders at mga katutubo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,481 total views

 9,481 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,581 total views

 17,581 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,548 total views

 35,548 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,869 total views

 64,869 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,446 total views

 85,446 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,912 total views

 7,912 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,203 total views

 9,203 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,602 total views

 14,602 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,586 total views

 16,586 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top