Pagpapatigil ng Metro Manila Mayors sa quarrying agreements, pinuri ng Obispo ng Bayombong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 847 total reads

Ikinalulugod ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao ang pagkakaisa ng mga alkalde ng Metro Manila sa panawagang itigil na ang quarrying agreements sa Masungi Georeserve at Upper Marikina Watershed sa Rizal.

Ang nasabing protected landscapes ay bahagi ng Sierra Madre Mountain Range na nagmumula sa lalawigan ng Cagayan at nagtatapos sa Quezon.

Ayon kay Bishop Mangalinao, dating vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs, patunay lamang ito na tinutupad ng mga alkalde ang kanilang tungkulin at pangako na pangalagaan ang kanilang kinasasakupan kasabay ng pagpapahalaga sa kalikasan.

“Nagpapasalamat ako sa mga lider-pamahalaan na gumagawa ng lahat ng paraan para sa kalikasan. Ito ay sigurado na ang pangangalaga sa kalikasan ay pangangalaga sa buhay ng tao,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa mga lumagda sa panawagan ay sina Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Muntilupa City Mayor Jaime Fresnedi, Pasig City Mayor Vico Sotto, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sinabi ni Bishop Mangalinao na marahil napagtanto ng mga nabanggit na opisyal ng lokal na pamahalaan na lubhang maaapektuhan ang Metro Manila kapag nagpatuloy pa ang operasyon ng quarrying sa kabundukan.

Tinukoy ng Obispo ang pananalasa ng Bagyong Ondoy sa kalakhang Maynila noong 2009 kung saan naganap ang malawakang pagbaha sanhi ng labis na pag-uulan at pagbaba ng tubig mula sa mga kabundukan.

“Ang pagpapatigil sa ilegal na proyekto ay nangangahulugang magkakaroon ng kasiguruhan ng kawalan ng pagbaha sa mabababaw na bahagi ng Metro Manila; at nakita nila na ang lahat ng tubig na bumaba mula sa bundok ay napakaputik. Ibig sabihin nito talagang nawawalan na ng maraming puno sa kabundukan at higit sa lahat ay nasisira ang kapaligiran,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Hiling at paalala naman ng Obispo sa mga opisyal ng pamahalaan na gamitin nang wasto ang kanilang mga kapangyarihan upang pangalagaan ang inang kalikasan.

Ito’y sa halip na pahintulutan ang mga ilegal at mapaminsalang gawain na nagpapalala lamang lalo sa kahirapan ng mamamayan at unti-unting pagkaubos ng likas na yaman.

“Sila (local officials) mismo gamitin nila ang kanilang kapangyarihan para susugan ang batas na patigilin ito. I welcome the move and I hope they will succeed,” giit ni Bishop Mangalinao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 29,671 total reads

 29,671 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 113,700 total reads

 113,700 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 208,031 total reads

 208,031 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 269,717 total reads

 269,717 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 314,016 total reads

 314,016 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 210,459 total reads

 210,459 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top