Pagpaslang kay Father Paez, wake up call sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 413 total reads

Umaasa si Fr. Efren De Guzman, SVD na magiging ‘wake-up call’ para sa bawat Filipino ang walang habas na pagpatay kay Fr. Marcelito Paez ng Diocese of San Jose, Nueva Ecija.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Fr. De Guzman ang mga mamamayan na kumilos at tumindig para sa kanilang karapatan at huwag ng antaying may magbuwis ng buhay.

“Itong pagpatay kay Fr. Tito at iba pang EJK victims ay wake-up call sa atin. Hihintayin pa ba natin na may kamag-anak o kaibigan tayo na mamatay bago tayo kumilos. Sabi ni Pope Francis bawat isa may magagawa na walang ibang gagawa, ‘yan din ang panaginip ni Fr. Tito,” pahayag ng pari.

Kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao ng mga manggagawa at magsasaka si Fr.Paez na binaril ng 9 na beses ng hindi pa nakikilalang mga salarin dakong alas-otso ng gabi noong ika-4 ng Disyembre habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Si Fr. Paez rin ang kauna-unahang pari mula sa simbahang Katolika na pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte at pang-limang church worker na pinaslang mula sa iba’t ibang relihiyon sa bansa.

Kaugnay nito, inaayayahan ni Fr. De Guzman ang bawat isa na makisangkot sa mga usaping may kaugnayan sa seguridad gayundin sa karahasan na patuloy na nanararansan ng maliliit na tao.

“Ito’y panawagan para sa lahat. Huwag mong sabihing wala kang pakialam. ang Panginoon ay naghihintay ng ating conversion, reconcillation. Maging instrumento tayo ng kaharian ng Diyos,” dagdag ni Fr. De Guzman.

Inihahalintulad ng pari ang pagkamatay ni Father Paez kung paano namatay si Kristo at iba pang mga martir na dumanak ang dugo para sa paninidighan sa katotohanan at pagsasabuhay ng turo ng Diyos.

Pagbabahagi pa ni Fr. De Guzman, si Fr. Marcelito o mas kilala sa tawag na Fr. Tito ang kanyang naging inspirasyon upang tahakin ang bokasyon ng pagmimisyon.

Bago ang pamamaril, sinasabing galing si Fr. Paez sa Provincial Jail ng Cabanatuan City kung saan tinulungan nitong makalaya ang political detainee na si Rommel Tucay – isang lider magsasaka na inaresto noong Marso.

Una nang kinondena ng Diocese of San Jose at ng iba;t ibang human rights groups ang madugong sinapit ng 72-taong gulang na paring misyonero.

READ: Patuloy na pagsasawalang bahala sa karapatang pantao, binatikos

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,889 total reads

 51,889 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,459 total reads

 131,459 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,906 total reads

 164,906 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,204 total reads

 200,204 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,665 total reads

 424,665 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,332 total reads

 297,332 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,472 total reads

 408,472 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top