Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpasok ng China sa WPS, pipigilan ng mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,174 total views

Suportado ng mga mambabatas ang panawagan ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs na gumawa ng resolusyon upang mapigilan ang China sa pagpasok sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri makatutulong ang isang resolusyon na ihahain ng DFA sa United Nation General Assembly upang mapagtibay ang paninindigan ng Pilipinas sa pag-aaring mga isla.

Inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution No. 659 upang mapangalagaan ang karapatan ng bansa sa WPS lalo na ang mga Pilipinong mangingisda na tinutugis ng Chinese Coast Guard.

Iginiit ni Zubiri na hindi pahihintulutan ng mga lider ng bansa na maisantabi ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na pabor sa Pilipinas hinggil sa pinag-aagawang teritoryo kabilang na ang nine-dash line.

“Should we successfully pass a resolution before the UNGA, we will in effect be solidifying international support for the sovereignty of the Philippines, and putting pressure on China to keep their military and political activities outside of our Exclusive Economic Zone and continental shelf,” bahagi ng pahayag ni Zubiri.

Ibinahagi ni Zubiri na makipagpulong ito kay DFA Secretary Enrique Manalo, Presidential Adviser on the West Philippine Sea Andres Centino at mga opisyal ng National Security Council upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon sa WPS gayundin ang laman ng babalangkasing Resolution No. 659.

Tiniyak din ng mambabatas na gagawa ito ng hakbang upang mabigyan ng sapat na pondo ang mga nangangalaga sa nasasakupang teritoryo tulad ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

“We will not simply watch them seize our islands and our waters. We may not have as much military might as they do, at this time, but we will do everything in our power to strengthen support for our Coast Guard and Navy, and we will stand our ground through all means possible,” giit ni Zubiri.

Samantala nanindigan si Hontiveros na nararapat protektahan ang nasasakupang karagatan sapagkat sa datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources mahigit sa 300-libong metriko tonelada ang yamang dagat na nakuha sa lugar noong 2020 o katumbas ng pitong porsyento sa kabuuang produksyon.

Bukod pa rito ang energy resources na ayon sa US Geological Survey Report ay nasa 28 billion barrels ng langis at 266 trillion cubic feet ng natural gas lalo sa Recto bank at sa loob ng Exclusive Economic Zone.

Kaisa rin ang simbahang katolika sa pananawagang manindigan laban sa China sa usapin ng West Philppine Sea at igiit ang karapatan ng bansa sa pinag-aagawang isla sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 21,994 total views

 21,994 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 37,690 total views

 37,690 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 46,090 total views

 46,090 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 110,365 total views

 110,365 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 176,431 total views

 176,431 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top