Pagsabuhay ng kababaang loob at pagsunod sa Diyos, paanyaya ng birhen ng Guadalupe

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,281 total reads

Binigyang-diin ni Pagadian Bishop Ronald Anthony Timoner ang paanyaya ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na yakapin ang kababaang-loob, pagsunod sa Diyos, at pagtataguyod ng kapayapaan.
Ito ang pagninilay ng obispo sa pagdating ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Cathedral of the Most Holy Name of Jesus sa Pagadian City.

Sinabi ng obispo na ang pagdalaw ng pilgrim image ay paalala na pinipili ng Diyos ang mga mapagpakumbaba upang ipamalas ang Kanyang kadakilaan.

“This visit reminds us of one basic truth in the history of our salvation: that God always chooses what is humble and simple to manifest His greatness,” ayon kay Bishop Timoner.

Paliwanag ni Bishop Timoner na tulad ng pagpapakita ng Mahal na Birhen kay San Juan Diego sa burol ng Tepeyac, ipinakikita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa mga dukha, nakalilimutan, at nasa laylayan ng lipunan.

Binigyang-diin din ng obispo na hindi kayamanan o tagumpay ang hinahanap ng Panginoon kundi mga pusong nakahandang tumanggap sa kanyang pananahan.

“God does not seek great earthly works or riches. He seeks simple hearts willing to welcome Him,” aniya.

Hinimok ni Bishop Timoner ang mga mananampalataya na tularan ang kababaang-loob, pag-ibig, at pagtitiyaga ng Mahal na Birhen upang manatiling matatag sa paglalakbay ng pananampalataya.

Ayon sa obispo, ang kuwento ng mga bulaklak na pinulot ni San Juan Diego sa gitna ng taglamig ay sumasalamin sa ganap na pagtitiwala at pagsunod sa salita ng Diyos sa pamamagitan ni Maria.

“When we listen to the word given to us by Mary, our Mother, or by our Lord Himself; when we obey; and when we direct our thoughts and actions toward fulfilling that word, then we too will surely witness the power and greatness of the Lord in our own lives,” dagdag ng obispo.

Tinuran ni Bishop Timoner na ang mensahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe ay nananatiling mahalaga sa kasalukuyang panahon dahil ito ay panawagan sa pagkakaisa at pagkakasundo.

“Her message does not tolerate divisions or worldly attachments. Her presence is an antidote to hatred and distrust among individuals and even among nations,” giit ng obispo.

Iginiit ng obispo na, bilang Ina ng lahat, patuloy na inaakay ng Mahal na Birhen ang mga mananampalataya patungo sa kanyang Anak na si Hesus at nagbibigay ng katiyakang hindi sila nag-iisa sa gitna ng kanilang mga pagsubok.

Panawagan ni Bishop Timoner sa mga mananampalataya na maging mga saksi ng pag-ibig at kapayapaan sa lipunan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.

“Let us therefore ask the Lord, through the intercession of the Virgin of Guadalupe, for the grace to become instruments of peace and welcome, bringing the fragrance of His love into our nation, into our families, and into our communities,” aniya.

Ang pagbisita ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa Diocese of Pagadian ay bahagi ng pilgrimage na layuning palalimin ang debosyon ng mga Pilipino sa Birhen ng Guadalupe at higit pang akayin ang mga mananampalataya tungo kay Hesukristo.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 16,845 total reads

 16,845 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 46,192 total reads

 46,192 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 106,690 total reads

 106,690 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 126,445 total reads

 126,445 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 207,099 total reads

 207,099 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 306,738 total reads

 306,738 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top