210 total views
Nagpahayag ng pagkikiramay at pagkondena ang Commission on Human Rights kaugnay sa pagkakapaslang kay Ozamiz City Regional Trial Court Branch 15 Executive Judge Edmundo Pintac.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakababahala ang sinapit ng hukom na kilalang may hawak sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions at possession of illegal drugs nina Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid nitong si Reynaldo Parojinog Jr.
Inihayag ni Atty. De Guia na magsasagawa ng imbestigasyon ang kumisyon upang mabigyang katarungan ang marahas na pagkamatay ng hukom na binaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa kanyang sasakyan habang pauwi sa tahanan.
“The Commission on Human Rights condemns the killing of Judge Edmundo Pintac of Ozamiz City Regional Trial Court Branch 15. It is most concerning especially that Judge Pintac is known to be handling charges against Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog for illegal possession of firearms and ammunition and possession of dangerous drugs. CHR shall be investigating this case in the interest of finding the truth and demanding accountability from the perpetrators of this injustice.” pahayag ni de Guia sa Radio Veritas
Iginiit ni De Guia na mahalaga ang papel na ginagampanan ng Hudikatura upang maipatupad ang batas at mapatawan ng naaangkop na kaparusahan ang mga nagkasala sa lipunan.
Dahil dito, malaki ang panghihinayang ng kumisyon sa sinapit ni Judge Pintac.
“We stress the importance of the Judiciary in Administering justice and allowing the rule of Law to prevail, especially that only few drug cases reach the Courts to date.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.
Matatandaang, isinantabi ni Judge Pintac ang naging petisyon ng magkapatid na Parojinog na makapunta sa burol ng kanilang mga magulang at kamag-anak na nasawi sa drug raid ng mga pulis sa kanilang tahanan.
Samantala, una na ring inihayag ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang kawalan pa rin ng sinseridad sa paraan ng pagsugpo ng pamahalaan laban sa illegal na droga.
Read: Administrasyong Duterte, Walang sinseridad sa kampanya kontra droga