Survivor ng pananambang sa Cebu, nasa pastoral sanctuary ng Archdiocese ng Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 485 total reads

Nilinaw ng Arkidiyosesis ng Cebu na wala itong direktang kinalaman sa imbestigasyon sa naganap na pananambang sa Malubog Cebu City noong ika-4 ng Oktubre, 2018.

Ayon kay Msgr. Joseph Tan, taga-pagsalita ng Arkidiyosesis, pagbibigay lamang ng pastoral sanctuary sa biktima ang ipinaabot ng Simbahan batay na rin sa kasunduan ng Archdiocese ng Cebu at Commission on Human Rights Region 7.

“Ang atong role ani nga hitaboa matawag nato’g supplementary, it’s just to facilitate sa trabaho sa CHR.(Ang role natin dito sa nangyari ay masasabi nating supplementary lang, it’s just to facilitate sa trabaho ng CHR).” pahayag ni Mgsr.Tan sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng pari na ginamit lamang ng CHR ang lugar para sa isasagawang imbistigasyon.

Noong Sabado ay hiniling ni Sharmaine Puran, isa sa dalawang survivor sa pananambang na tutuloy sa Archbishop’s Residence habang isasagawa naman CHR-7 ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril.

Batay sa paunang pahayag ng mga nakaligtas na biktima ay mga nagpakilalang pulis ang mga salarin.

Sa pahayag ni CHR-7 Chief Investigator Leo Villarino, ang pagtulong ng CHR at ng Simbahan ay base na rin sa kahilingan ng biktima na nangangamba sa kaniyang kaligtasan matapos ang pananambang na ikinasawi ng limang indibidwal.

Ikinabahala naman ni Cebu Archbishop Jose Palma ang sunod-sunod na pagpaslang sa Cebu City at hiniling sa mananampalataya ang pagdadasal ng Oratio Imperata upang mawakasan ang karahasan sa lalawigan.

Ang pagtulong ng Simbahan sa mga biktima ng karahasan ay kabilang sa mga tungkulin na nararapat gampanan bilang tagasunod ng Panginoong Hesus na handang kumalinga sa mga nangangailangan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 26,527 total reads

 26,527 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 253,661 total reads

 253,661 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 147,128 total reads

 147,128 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 241,158 total reads

 241,158 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 284,157 total reads

 284,157 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top