Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsasaka sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 529 total views

Alam natin na ang sektor ng agrikultura ay isa sa mga pinakamahirap na sector sa ating bansa. Ayon nga sa opisyal na datos, 38.3% ang poverty incidence sa hanay ng mga magsasaka. Nakakalungkot kapanalig, dahil marami sa ating mga kababayan ang kasapi ng sector na ito. Base sa January 2016 Labor Force Survey, ang agrikultura ang pangalawa sa pinakamalaking “employer” sa ating bansa. Mga 27% ng mga Pilipinong manggagawa ay nasa agricultural sector.

Lingid naman sa kaalaman ng marami, maliit lamang ang kinikita ng ordinaryong magsasaka. Base mismo sa opisyal na datos, tinatayang mga Php156.8 lamang kada araw ang kanilang kita. Wala rin silang benepisyo, kapanalig, o social protection. Madalang sa mga magsasaka ang may insurance.

Mabagal din ang “growth” o pagsulong ng sector, kahit pa tinataas naman ang investments o pamumuhunan dito. Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), noong 2015, gumastos ng Php114 billion ang pamahalaan para sa agrikultura. Mas mataas pa ito ng 32% kaysa sa investments sa sector noong 2014, pero hirap pa ring iangat sa kahirapan ang buhay ng mga magsasaka.

Maraming mga rason kung bakit patuloy na naghihirap ang sektor. Isa na rito, ayon sa PIDS, ang kakulangan natin sa kakayahan at kaalaman sa mga pagbabago at inobasyon. Hindi pa tayo nakakataas ng lebel mula sa ordinaryong pagsasaka tungo sa “agribusiness.” Marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi gumagamit ng mga makabagong teknolohiya, o di kaya, napapako sa iisang uri ng pananim. Marami pa rin ang hindi nagtatanim ng mga tinatawag na high value crops.

Hirap din naman kasi makakuha ng suporta mula sa gobyerno at pribadong sector ang mga magsasaka. Pagdating nga lang sa pautang, hindi pa nila maabot. Paano nga naman sila makakabili ng mga binhi o di kaya kagamitan?

Kulang din ang tinatawag na “rural infrastructure.” Ang farm to market roads natin kapanalig, kamusta na ba? Ang mga merkado natin, madali lang ba maabot ng mga magsasaka? Ang irigasyon ba sa ating mga sakahan ay sapat at “sustainable?”

Ito ay ilan lamang sa mga problemang kinakaharap ng agricultural sector, na sana ay mabigyan pansin ng ating bayan sa agarang panahon. Patuloy ang paghihirap ng marami nating mga kababayan kung hindi natin bibigyan ng sapat na atensyon ang ating mga sakahan.

Ang Populorum Progressio ay may hamon na tunay na angkop sa sitwasyon ng sektor ng agrikultura sa ating bansa: Ang kasalukuyang sitwasyon ay kailangan nating harapin ng buong tapang. Basagin natin at labanan ang mga inhustisya na kaugnay ng sitwasyon na ito. Kung nais nating sumulong, kailangan natin ng pagbabago at inobasyon. Ang reporma ay kailangang masakatuparan sa lalong madaling panahon (The present situation must be faced with courage and the injustices linked with it must be fought against and overcome. Development demands bold transformations, innovations that go deep. Urgent reforms should be undertaken without delay).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 6,252 total views

 6,252 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 24,605 total views

 24,605 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 75,075 total views

 75,075 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 105,012 total views

 105,012 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 2,387 total views

 2,387 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 6,253 total views

 6,253 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 24,606 total views

 24,606 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 75,076 total views

 75,076 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 105,013 total views

 105,013 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 113,721 total views

 113,721 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 116,430 total views

 116,430 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 103,036 total views

 103,036 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 83,420 total views

 83,420 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
1234567