Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsasawalang bahala sa karahasan at katiwalian, tinawag ni Bishop Villarojo na treason

SHARE THE TRUTH

 507 total views

Ang pagsasawalang bahala sa mga nagaganap na karahasan, katiwalian, kasinungalingan, kawalan ng katarungan at maging mga masasamang salita sa harapan ng publiko ay maituturing na pagtataksil sa bayan.

Ito ang bahagi ng talumpati ni Malolos Bishop Dennis Villarojo sa naganap na Philippines’ Virtual Conference on the Eucharist noong ika-11 ng Setyembre, 2021.

Ayon sa Obispo, ang pagsasawalang bahala sa mga maling nagaganap sa lipunan at hindi pagpapanagot sa mga nagkasalang mga opisyal ng bayan ay nagbibigay ng karapatan sa mga ito na hindi igalang ang taumbayan na nagdudulot rin ng culture of impunity sa lipunan.

“When we tolerate large scale murder among us, we also tolerate treason — yung pagtataksil sa bayan, corruption, deceit, manipulation, and foul language thrown at our face. When we no longer demand accountability, those accountable lose their respect for us and proceed to do whatever they want with impunity.” Ang bahagi ng talumpati Malolos Bishop Dennis Villarojo.

Tema ng talk ni Bishop Villarojo ang “What is Political must also be Moral” kung saan partikular na tinukoy ng Obispo ang dapat na mariing paninindigan ng mamamayan lsa kung ano ang tama laban sa mga maling nagaganap sa lipunan.

Kabilang sa mga pinuna ni Bishop Villarojo ang hindi katanggap-tanggap na konsepto ng pagkitil sa buhay ng mga kriminal o pinaghihinalaang lumabag sa batas upang makamit ang kapayapaan sa lipunan.

Paliwanag ng Obispo, ang pagsang-ayon at pagsuporta sa konsepto ito ay maituturing na pagkawala sa moral conscience ng isang mamamayan mula sa mga karahasan at kasamaan.

“We cannot, for example, kill suspected criminals so that we may attain peace in our communities. We cannot allow hatred to rob us of our souls. But these factors are tolerated and even approved by many of our people, is a clear indictment of the kind of Christians we have become. When we have given approval to these kind of evil in our midst, we’ve also lost our moral conscience to resist whatever the perpetrators of these crimes may force upon us.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Bukod dito, pinuna rin ng Obispo ang patuloy na isinusulong ng mga mambabatas na Absolute Divorce Bill gamit ang layunin na maprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan laban sa mga pag-aabuso.

Giit ng Bishop Villarojo, hindi maaring ihiwalay ang usaping pulitikal at moral kung saan hindi dapat na magpalinlang ang taumbayan sa layunin ng naturang panukalang batas na magdudulot lamang ng pagkasira ng pamilya.

Paliwanag ng Obispo, mayroon ng mga kasalukuyang batas na layuning protektahan ang mga kababaihan laban sa domestic violence na kinakailangan lamang ganap na maipatupad sa halip na tuluyang buwain ang kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya.

“Every political choice is at once a moral one. None more so in the context of the political situation of our country, already bills have been filed to change the moral values of our nation. There is the proposal to undercut the sanctity of marriage supposedly to protect women’s rights even if laws already exist, protecting women from domestic violence and providing remedy for marriages that ought never to have been contracted.” Ayon pa kay Bishop Villarojo.

Paalala ng Obispo, “If the Eucharist is a mode of being that passes from Jesus into us, let us not be enablers of those who have no respect for human life; of those who have no respect at all for anyone, alive or dead; those who malign even the dead and kill the living.”

Ang naganap na Philippines’ Virtual Conference on the Eucharist ay bahagi ng local celebration ng bansa sa 52nd International Eucharistic Congress na naganap sa Budapest, Hungary.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 4,783 total views

 4,783 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 79,084 total views

 79,084 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 134,841 total views

 134,841 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 95,832 total views

 95,832 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 96,942 total views

 96,942 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 1,940 total views

 1,940 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 40,692 total views

 40,692 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567