CBCP-ECY, suportado ang pagbubukas ng school year 2021-2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 639 total reads

Nagpaabot ng suporta at pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan, mga magulang at mga guro para sa unang araw ng pasukan sa pampublikong paaralan ngayong ika-13 ng Setyembre, 2021.

Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon, mahalaga ang patuloy na pagkakaroon ng tapang at determinasyon ng bawat isa sa kabila ng banta ng pandemya.

Iginiit ng Obispo
na mahalaga ang edukasyon na pagsasanay at pagpapalawak hindi lamang ng kaalaman at karanasan kundi maging ng puso at pagkatao ng bawat isa.

“Sa ating mga teachers, mga magulang at mga estudyante medyo difficult talaga ang situation niyo given the pandemic at saka maraming limitations pero with taking courage and do what’s in their capacity to resume learning [they will overcome the difficulty] because education is a very important, it’s not only important it’s a necessary pa because it’s a training of the mind, the heart and the whole person…” pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin rin ng Obispo na sa kabila ng mahirap na sitwasyon sa bansa ay hindi maaaring ganap na ipapaliban ang proseso ng edukasyon dahil na rin sa kahalagahan nito sa buhay ng bawat isa.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, bagamat sadyang imposible na muling maibalik sa nakagawiang paraan ng pagtuturo at pag-aaral ay importante na pagsumikapan ng bawat isa na patuloy na maisulong ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga kabataan.

Giit ng Obispo, kabilang sa mahalagang matutunan ng mga kabataan sa kasalukuyan ay kung paano maka-survive o malagpasan ang anumang hamon sa buhay tulad na lamang na malawakang krisis pangkalusugan.

“In whatever circumstance we should not postponed learning and we cannot, pero syempre ibang iba kasi yung sitwasyon in other words we may not keep everything in the same mode, manner as pre-pandemic time but to learn, to resume, to continue the process of learning is something for me we must do, and in fact in a situation like ours kailangan nating turuan ang mga kabataan pati na ang ating mga sarili on how to survive…” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd), umabot sa 21,034,472 ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll na sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa para sa School Year 2021-2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 99,818 total reads

 99,818 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 176,695 total reads

 176,695 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,143 total reads

 210,143 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 245,443 total reads

 245,443 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,139 total reads

 468,139 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top