Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,775 total reads

Ang Mabuting Balita, 21 Nobyembre 2023 – Lucas 19: 1-10
PAGSUSURI SA SARILI
Noong panahong iyon, pumasok si Jesus sa Jerico, at naglakad sa kabayanan. Doo’y may isang mayamang puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo. At pinagsikapan niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siya’y napakapandak, at dahil sa dami ng tao, hindi niya makita si Jesus. Kaya’t patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Jesus na magdaraan doon. Pagdating ni Jesus sa dakong iyon, siya’y tumingala at sinabi sa kanya, “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.” Nagmamadali siyang bumaba, at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus. Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. “Nakikituloy siya sa isang makasalanan,” wika nila. Tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung ako’y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.” At sinabi sa kanya ni Jesus, “Ang kaligtasa’y dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni Abraham ang taong ito. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.”
————
Marahil kung tayo ay nasa lugar ni Jesus, hindi natin mapapansin na mayroong lalaking umakyat sa puno para lamang makita tayong mabuti, ngunit nakita siya ni Jesus, at ang mas matindi para sa mga eskriba at Pariseo, inimbita ni Jesus ang sarili niya sa bahay ni Zaqueo. Kahit kailan, hindi makakaligtaan ng Diyos ang pagkakataong ibalik tayo sa kanyang piling kapag tayo ay naligaw ng landas. Dahil sa kanyang dakilang pag-ibig, nilikha niya tayo sa wangis niya, at hindi katulad ng karamihan sa atin, siya ay nananatiling matapat at lagi niya tayong iibigan kahit anupaman.
Si Jesus ay isang “celebrity,” sikat na sikat. Napakalaking karangalan para sa kanila kung si Jesus ay mapunta sa kanilang mga tahanan, tulad natin kapag may isang VIP o sikat na tao ang mag-imbita ng sarili niya sa ating tahanan. Sila ay nagbulung-bulungan, hindi dahil sa inggit, kundi sapagkat pinili ni Jesus na tumuloy sa bahay ng isang kilalang makasalanan. Para sa kanila, si Jesus ay busilak kaya’t bakit niya ginagawang marumi ang sarili niya? Magpasahanggan ngayon, mayroong sa atin na katulad ng mga taong yon. Dahil tayo ay laging nasa Simbahan, kabilang sa mga kaganapan dito, akala natin tayo ay mga busilak na at minamababa natin ang mga iba na hindi katulad natin. Akala natin na tayo ay mas karapat-dapat kaysa sa kanila. Ang problema rito ay – hindi natin mahiwalay ang makasalanan sa kasalanan. Nalilimutan natin na bagamat ang kasalanan ay permanente dito sa mundo, ang makasalanan ay hindi, sapagkat maaari siyang magbalik-loob o makabalik sa kanyang unang anyo ng pagiging likhang kawangis ng Diyos.
Kung ang “physical exercise” ay napakahalaga upang manatili tayong malusog sa katawan, ang “spiritual exercise” sa anyo ng PAGSUSURI SA SARILI (pagsusuri ng ating pakikipag-ugnayan sa Diyos) ay napakahalaga upang manatiling malusog ang ating kaluluwa. Sa halip ng tumingin sa kasalanan ng iba, tingnan natin ang sarili nating kasalanan. Tiyak, walang ni isa sa atin ang walang kasalanan, at tayo ay mananagot sa ating mga kasalanan at hindi sa kasalanan ng iba.
Panginoong Jesus, turuan mo kami maging maawain kung paano ka sa amin!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 10,882 total reads

 10,882 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 63,433 total reads

 63,433 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 111,305 total reads

 111,305 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 215,253 total reads

 215,253 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 300,739 total reads

 300,739 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

INEVITABLE

 1,666 total reads

 1,666 total reads Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53 INEVITABLE Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth

Read More »

A GREAT BLESSING

 5,822 total reads

 5,822 total reads Gospel Reading for October 21, 2026 – Luke 12: 39-48 A GREAT BLESSING Jesus said to his disciples: “Be sure of this: if

Read More »

MORE BLESSED

 8,128 total reads

 8,128 total reads Gospel Reading for October 20, 2026 – Luke 12: 35-38 MORE BLESSED Jesus said to his disciples: “Gird your loins and light your

Read More »

NO ONE KNOWS

 8,541 total reads

 8,541 total reads Gospel Reading for October 19, 2026 – Luke 12: 13-21 NO ONE KNOWS Someone in the crowd said to Jesus, “Teacher, tell my

Read More »
Scroll to Top