Pagtalikod ng DENR sa tungkulin, kinundena ng ATM

SHARE THE TRUTH

 2,823 total views

Mariing kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang bagong polisiya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglalayong buksan ang 1.2 milyong ektarya ng ‘denuded’ o kalbong kagubatan sa pamumuhunan ng mga pribadong korporasyon.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, ang nasabing hakbang ay tahasang pagtalikod sa tungkulin ng DENR na pangalagaan at ibalik ang yaman ng kalikasan, alinsunod sa 1987 Constitution.

“To give private and profit-driven corporations millions of hectares of forest land is a betrayal of this mandate,” pahayag ni Garganera.

Dagdag pa ng ATM, ang pag-amin ng DENR na bigo ang kanilang National Greening Program (NGP) ay nagpapakita lamang ng kakulangan sa kakayahan ng kagawaran sa pagpapatupad ng mga tunay na pagsisikap para mapanumbalik ang mga kagubatan.

Iginiit ni Garganera na sa halip na itama ang mga pagkukulang, pinili ng pamahalaan na ipaubaya ito sa mga interesadong negosyante.

Binatikos din ng ATM ang mga patakaran ni DENR Secretary Raphael “Popo” Lotilla, na maaaring magdulot ng higit pang pang-aabuso sa kalikasan kung mapupunta sa mga makapangyarihang korporasyon ang pamamahala sa kagubatan.

“If this is symptomatic of the direction that Sec. Raphael “Popo” Lotilla intends to steer DENR, then we can expect more environmental violations from large companies who are linked with powerful politicians, and more environmental issues to erupt in various localities,” ayon kay Garganera.

Nagbabala rin ang grupo sa posibilidad na mas maraming pamayanan ang malalagay sa panganib mula sa mga sakunang dulot ng pagbabago ng klima—tulad ng malalakas na bagyo, pagbaha, at tagtuyot.

Bukod pa rito, lalabas na hindi tumutupad ang Pilipinas sa mga pandaigdigang kasunduan para labanan ang climate change, tulad ng Paris Agreement.

Una nang nagbabala si Pope Francis sa kanyang Laudate Deum laban sa mga pribadong kumpanyang kadalasang ginagamit ang greening o reforestation bilang anyo ng greenwashing—isang panandaliang solusyon na maganda lamang sa salita, ngunit hindi ganap na napapangalagaan ang kalikasan at ang kapakanan ng mga mahihirap.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,573 total views

 24,573 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,578 total views

 35,578 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,383 total views

 43,383 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,971 total views

 59,971 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,725 total views

 75,725 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top