Pagtatala ng isang basilica church, pakikilakbay ng panginoon sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,813 total reads

Pinaalalahanan ng arsobispo ng Maynila ang mananampalataya na ang pagtatalaga ng basilica ng isang simbahan ay tanda ng pakikilakbay ng Diyos sa sangkatauhan.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa pagtalaga ng Minor Basilica of St. Dominic sa San Carlos City Pangasinan.

Paliwanag ng cardinal na ito ay nangangahulugang ugnayan sa pagitan ng St. Dominic Basilica sa Santo Papa Francisco na isang paanyaya sa bawat mananampalataya nang sama-samang paglalakbay bilang isang simbahan.

“Being a basilica church is more than just elegant decorations or grand celebrations. More significantly, it is about concretely signifying the mysterious presence of the Kingdom of God within and among us.” pahayag ni Cardinal Advincula.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na malaking tungkulin ang gagampanan ng mamamayan sa lugar upang mapagyabong ang biyaya ng pagkaloob ng basilica lalo na sa pagpapaigting ng misyon ng simbahan.

“The gift of being declared a minor basilica comes with a mission and responsibility.” giit ng cardinal.

Batid ng arsobispo na malaking bahagi sa paglago ng kristiyanismo sa San Carlos Pangasinan ang mga Dominikano na nagmisyon noong 1500s.

Ayon sa kasaysayan ang Minor Basilica of St. Dominic ang kauna-unahang basilica sa Asya na nakatalaga sa santo na tagapagtatag ng Order of Preachers o Dominicans.

Dalawang Dominikanong martir din ang naglingkod sa nasabing simbahan na sina Santo Domingo Ybanez de Erquicia na pinaslang sa Nagasaki Japan at San Francisco Gil de Federich na nasawi sa Vietnam dahil sa paninindigan sa pananampalataya.

Ginanap ang elevation rites noong January 14, 2023 na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown kasama ang mga obispo ng Northern Luzon region, mga opisyal ng Dominican communities, mga pari at layko ng lalawigan ng Pangasinan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 18,869 total reads

 18,869 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 42,245 total reads

 42,245 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 78,746 total reads

 78,746 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 299,370 total reads

 299,370 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 332,956 total reads

 332,956 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top