Pagtatalaga sa unang basilica ni St. Dominic sa Asya, pinangunahan ni Cardinal Advincula at Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,496 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of St. Dominic sa San Carlos City Pangasinan ang pagpapalawak ng misyon upang higit na lumago ang pananampalataya ng mamamayan.

Ito ang pahayag ni Fr. Mario Dominic Sanchez, kura paroko at rector ng simbahan kasabay ng pormal na pagtalagang basilica ng parokya.

Ayon sa pari paiigtingin ang misyon lalo na sa maliliit na komunidad upang tumibay ang pundasyon ng kristiyanismo.

“It’s the challenge that is given to us in San Carlos to continue the work of evangelization that we have received, we receive evangelization now it’s time for us to evangelize beginning in our family, in our community, in the neighborhood and then to have more vocations.” pahayag ni Fr. Sanchez sa Radio Veritas.

Pinasalamatan ng pari ang mga Dominikano na naging instrumento sa paglaganap ng pananampalataya sa San Carlos City noong 1587.

Mula nang maitatag ang simbahan noong 1733 nadagdagan ito ng iba pang parokya na katuwang sa pangangalaga sa kawan ng 86 na barangay na sakop ng lunsod.

Naniniwala si Fr. Sanchez na sa pagdami ng mga parokya ay higit mapatatag ang misyon.

“The smaller the population the better our work for evangelization; kaya as parish priest yun ang aming mission to take care of more Catholics grow in the life of faith and discipleship.” ani ng pari.

Samantala ikinagalak ni Master of the Order of Preachers Very Reverend Fr. Gerard Timoner, III, OP ang pagkatalagang basilica ng parokya sapagkat ito ang kauna-unahang basilica sa Asya habang ikalima sa buong daigdig na nakatalaga kay St. Dominic – ang tagapagtatag ng kongregasyon.

Sa homiliya ni Fr. Timoner hinimok nito ang mananampalataya na saliksikin ang buhay ni St. Dominic upang maging huwaran sa paglilingkod sa kapwa.

Aniya, sa mga karanasan ng kasalukuyang panahon ay mensahe ng pag-asa ang hatid ng santo para sa mamamayan lalo na ang pagkatalaga ng basilica sa kanyang pangalan.

“In these trying times where people seem to be lost in despair, St. Dominic offers us ‘spem miram, a wonderful hope’; in this Basilica of St. Dominic, may we always find Spem Miram, the Wonderful Hope by Dominic: Christ our Lord, who nourishes us in Word and in Sacrament.” ani Fr. Timoner.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang rito ng pagtalaga kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas habang dumalo rin sa pagtitipon ang ilang obispo ng karatig diyosesis, mga pari, religious men and women at mga layko ng Pangasinan.

Hulyo 2022 nang aprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ng parokya na maging minor basilica kung saan ito na ang ika – 20 basilica sa bansa.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 136 total reads

 136 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,130 total reads

 24,130 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,986 total reads

 8,986 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,546 total reads

 49,546 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 77,040 total reads

 77,040 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,305 total reads

 125,305 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 147,039 total reads

 147,039 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top