Pagtatayo ng mga kooperatiba, nakitang solusyon ng Caritas Manila sa kahirapang dinaranas ng maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 633 total reads

Naniniwala si Caritas Manila Executive Director at Radyo Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual na mahalagang magkaroon ng sustainable na mga programa para tulungan ang mga maralita na lalong nalugmok sa kahirapan dahil na rin sa epekto ng pandemya.

Sa ginawang pag-iikot ni Fr. Pascual sa isang Stilt Community sa Navotas kasama ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, aminado ang pari na nalulungkot ang Simbahan na makita ang kalagayan ng mamamayan na lalo pang naghihirap dahil sa epekto ng pandemya.

Ayon kay Fr. Pascual, patuloy na sinisikap ng mga institusyon tulad ng Caritas Manila na umagapay at magbigay ng ayuda sa mga naghihirap na mamamayan sa tulong ng ilang mga pribadong grupo.

“Marami ang natanggal ang trabaho nalugi ang mga negosyo kaya’t mahalaga na ang simbahan ay nariyan kasama ang mga private sectors [Accenture] na tumutulong para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan.” Giit ni Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Isa sa mga nakikitang solusyon ni Fr. Pascual ang pagpapalakas ng mga kooperatiba sa Simbahan na siyang magpapahiram ng puhunan o pondo sa mga mahihirap na magagamit upang mapaganda ang kanilang mga buhay.

“ang mahalaga dito ang sustainability, ang inaasahan natin na mapalakas natin yun kooperatiba ng mga mahihirap para tuloy-tuloy ang suporta ng Simbahan at Private sector lalo na [para] sila ay makabili ng mga pagkain at makahiram ng puhunan sa pag-nenegosyo. Kaya mahalaga ang cooperative for sustainability ng mga mahihirap. Nagkaisa ngayon pati ang mga donors at mga Parokya para tulungan sila sa ayuda at gamitin natin for development purposes.” Dagdag pa ng Pari na hinirang na most outstanding cooperative leader noong taong 2015.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2018, lumalabas na umaabot sa 16.7 % ang poverty incidence sa Pilipinas kung saan tinatayang nasa 17.7 Milyon ng mga Pilipino ang hindi sapat ang kinikita para makabili o makatanggap ng mga tinaguriang basic commodities.

Sinisikap naman ng Simbahang Katolika na patuloy na gumawa ng mga programa at proyekto na naglalayong makatulong sa mga mahihirap partikular na dito ang Caritas Manila na nakapagbigay ng mahigit sa 1.3 Bilyong piso na halaga ng ayuda katuwang ang ilang mga pribadong sektor noong 2020 kasabay ng pagpapatupad ng mga community quarantine sa bansa dulot ng Covid19 pandemic.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,243 total reads

 10,243 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,644 total reads

 11,644 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,061 total reads

 25,061 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,439 total reads

 62,439 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,709 total reads

 93,709 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,352 total reads

 169,352 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,373 total reads

 262,373 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,265 total reads

 100,265 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top