Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtutulungan at matatag na pananampalataya ng mga Pilipino, hinangaan ng Apostolic Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

 469 total views

Hinahangaan ng Kinatawan ng Kanayang Kabanalan Francisco ang matatag na pananampalataya ng mga Filipino at pagtutulungan sa gitna ng krisis na naranasan.

Ito ang pahayag ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa kanyang pastoral visit on the air ng Radio Veritas hinggil sa pagbisita sa Diocese of Surigao na labis napinsala ng bagyong Odette.

Ayon sa arsobispo bagamat maraming tahanan at mga simbahan ang nawasak ng bagyo hindi natitinag ang pananalig ng mga Filipino sa Panginoon.

“Such a profound respect and admiration for the faith of the Filipino people down there in Surigao and in Bohol and all of these places that got hit by the typhoon, their faith is really unconquered; your church is partially collapsed but your faith is not collapsed at all, so strong and its beautiful to see your faith,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Brown.

Bagamat nakalulungkot makita ang pinsalang dulot ng bagyo mas nangingibabaw ang pagkamangha ng nuncio sa pananatiling masiyahin at pagtutulungan ng mamamayan sa mga komunidad na kanyang dinalaw.December 25 nang magtungo si Archbishop Brown sa Surigao Del Norte sakay ng isang relief flight patungong Siargao Island upang personal na tingnan at alamin ang lawak ng pinsala at makapiling ang mananampalataya sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoon.

“I didn’t see discouragement, I saw determination as the people are working together; you will see a synodal church in the sense that everyone is helping to go forward together trying to repair the damages from the typhoon no one left behind even the poorest people,” ani ng nuncio.

Bukod sa Siargao Island at Surigao City binisita rin nito ang Dinagat Island kung saan batay sa kasaysayan si Archbishop Brown pa lamang ang kauna-unahang kinatawan ng Santo Papa ang nakadalaw sa lugar.Batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Surigao Del Norte mahigit sa isang bilyong piso ang pinsalang natamo sa lalawigan.

Dahil dito umapela si Archbishop Brown sa mamamamayan na tulungan ang mga nasalanta sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa mga institusyong tulad ng Caritas Manila at Caritas Philippines.

“Please be generous and let us help these people,” dagdag pa ni Archbishop Brown.

Nauna nang nagpaabot ng isang milyong pisong tulong pinansyal ang Caritas Manila sa Diocese of Surigao para sa relief and rehabilitation efforts ng simbahan sa mga nasasakupang mamamayan habang naghahanda naman sa reconstruction phase na pagtugon ang simbahang katolika.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 1,822 total views

 1,822 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 13,306 total views

 13,306 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 28,995 total views

 28,995 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 29,882 total views

 29,882 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 40,126 total views

 40,126 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 1,986 total views

 1,986 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top