Pagwawakas ng karahasan at patayan, kahilingan ng mga taga-Cebu kay Saint Padre Pio.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total reads

Isama sa ating pananalangin ang kapayapaan, pagtatapos ng karahasan at patayan.

Ito ang kahilingan ni Cebu Auxiliary Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga deboto ni Santo Padre Pio sa pagbisita ng kaniyang ‘incorrupt heart’ sa Cebu City simula sa ika-11 hanggang ika-14 ng Oktubre.

“And at the same time Pray also for Peace and for, hindi na kaaya-aya na pangyayari tulad ng pagpatay dito sa Cebu and all other na ang mga tao na tumigil na sa hindi kaaya-ayang paglabag sa batas,” ayon kay Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng Obispo, dapat maging pananggalang laban sa karahasan ang pagdarasal at pagsasabuhay ng kabutihan.

Noong October 4, lima katao ang napatay sa isang pananambang sa Malubog Cebu kung saan isa sa dalawang ‘survivor’ ang nasa kalinga ng Arkidiyosesis.

Bukod pa ito sa pagkakapaslang sa 9 katao kaugnay naman sa ‘one time, big time police drug operation’ sa Talisay, Cebu at Lapu-Lapu City.

“And to live-up to Christian ideals and be more prayerful because the devil is also working double time. Even there are many Saints and incorrupt relics and so forth. Kung hindi din tayo magdarasal the devil will still even use the relics to his advantages,” ayon kay Bishop Florencio.

Alas-11 ng umaga ang inasahang pagdating ng ‘Incorrupt Heart’ ni Padre Pio mula sa Maynila at dadalhin sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Pangungunahan naman ni Cebu Archbishop Palma ang ‘Welcome Mass’ na susundan naman ng ‘veneration’ para sa mga deboto ni Padre Pio.

Bukod sa pagbibigay galang sa ‘Incorrupt heart’ ni St. Padre Pio, magkakaroon din ng vigil at katesismo para sa mga deboto.

Dadalhin din ang ‘hindi naagnas na puso’ ni Padre Pio sa IEC-3 Convention Center para naman sa isasagawang ‘recollection’ ng mga pari at religious congregation ng Cebu bilang bahagi ng pagdiriwang ng simbahan ng ‘Year of the Clergy and Consecrated Person’.

Ang Archdiocese of Cebu ay binubuo ng walumput walong porsiyento ng mga katoliko mula sa kabuuang limang milyong populasyon.

Ang arkidiyosesis din ay may higit sa anim na raang mga pari na silang nangangasiwa sa 165 na mga Parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 80,406 total reads

 80,406 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 127,942 total reads

 127,942 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 175,813 total reads

 175,813 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 279,761 total reads

 279,761 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 362,127 total reads

 362,127 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top