Pahayag ni PRRD kay Cardinal Tagle: Maling paratang!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 347 total views

March 11, 2020, 12:56PM

Inihayag ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na malaki ang tiwala ng Kanyang Kabanalan Francisco kay Cardinal Luis Antonio Tagle na magampanan ang bagong tungkulin nito sa isa sa mahahalagang tanggapan ng Simbahang Katolika.

Ayon sa obispo ang Cardinal ay nagtataglay ng kababaang loob at katapatan sa mgha tungkuling iniatang sa kanyang pangangalaga partikular ang pagiging Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples.

“Cardinal Tagle enjoys Pope Francis’ trust and confidence. He is a model of humility, kindness, integrity and holiness,” pahayag ni Bishop Uy.

Ang pahayag ng obispo ay kasunod ng mga alegasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na inalis ng Santo Papa si Cardinal Tagle bilang arsobispo ng Maynila dahil sa pakikisangkot sa pulitika.

Sa talumpati ng pangulo sa isang pagtitipon sinabi nitong ikinagalit ni Pope Francis ang pangingialam ng Cardinal sa usaping pulitikal sa bansa kaya inilipat ito sa Vatican.

Ayon naman kay Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng CBCP, malinaw na pang-iintriga lamang ang mga pahayag ng punong ehekutibo laban kay Cardinal Tagle.

“Insinuating something on the reason for his appointment to a Vatican post apart from his qualities and capability to lead that position is simply twisted and reeks of intrigue,” ayon kay Fr. Secillano.

Disyembre ng nakalipas na taon nang italaga ni Pope Francis si Cardinal Tagle bilang Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples na isang mahalagang tanggapan sa Vatican na mangangasiwa sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.

Binigyang diin naman ni Bishop Uy na dapat ipagmalaki ng bawat Filipino ang pagkakatalaga ng Cardinal sa Vatican sapagkat patunay ito sa kakayahan ng mga Filipino na maglingkod sa pandaigdigan.

“Every Filipino (regardless of religion) should be proud of him; I am a personal witness to his exemplary intelligence and Christian virtues,” saad ni Bishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 87,871 total views

 87,871 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 87,871 total views

 87,871 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 87,871 total views

 87,871 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 85,215 total views

 85,215 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 77,813 total views

 77,813 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top