36,828 total views
Nagpahayag ng suporta ang social development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa patuloy na panawagan upang muling makibahagi ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Unang nagpahayag ng suporta ang Caritas Philippines sa nakatakdang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng ICC sa marahas na war on drugs at naganap na extra-judicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr. ang muling pakikilahok ng Pilipinas sa ICC ay isang paraan upang muling maibalik ang kredibilidad, kaayusan at tiwala ng taumbayan sa pamahalaan.
“The Philippine government has a responsibility to its citizens to uphold the rule of law and protect human rights… Rejoining the ICC would send a strong message that the government is serious about accountability and justice for all.” Ang bahagi ng pahayag ni Labiao.
Giit ng Caritas Philippines mahalaga ang pagsusumikap ng pamahalaan na maisulong ang pagbibigay halaga sa karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Paliwanag pa ng Caritas Philippines kinakailangang seryosohin ng pamahalaan ang pagtutok at pagbibigay proteksyon sa karapatang ng bawat mamamayan lalo’t higit ang pagkakaroon ng patas na katarungang panlipunan para sa lahat.
“The ICC’s recommendations are a roadmap for the Philippines to address its human rights problems and build a more just and equitable society… We urge the government to take these recommendations seriously and act upon them.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.
Matatandaang una na ring nanawagan ang Simbahan at mga human rights group sa kasalukuyang administrasyong Marcos na tuluyang isantabi ang marahas na war on drug ng nakalipas na administrasyong Duterte at makibahagi sa imbestigasyong isinasagawa ng ICC upang bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan.
Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9 na libo katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20-libo ang mga nasawi.