Huwag ibenta ang kaso, paalala ng AMLC sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,319 total views

Hinimok ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) ang mga manggagawa na iwaksi ang pagbibenta ng kaso.

Ito ang paalala ni AMLC Minister Father Eric Adoviso sa mga kaso ng pagtanggap ng manggagawa ng pera mula sa kanilang mga employers sa halip na ipagpatuloy ang kaso matapos makaranas ng hindi makataong pagtrato.

“Hindi nais ng Panginoon na ang tao, kayo po, na tayo ay naghihirap, hindi kalooban ng Diyos na tayo ay naghihirap, tandaan niyo po iyon hindi kalooban ng Diyos na kayo ay pinagsasamantalahan, hindi kalooban ng Diyos na tayo ay inaapi, na minsan sasabihin natin ‘tanggapin ko nalang ito baka ito yung pagsubok ng Diyos,’ hindi po pagsubok ng Diyos yan ang may kagagawa po niyan yung mga nagsasamantala sa atin,” ayon sa mensahe ni Father Adoviso.

Ayon pa sa Pari, mahalaga ang pagsasampa ng kaso dahil maipaparating sa mga mapagmalabis na employers na hindi nabibili ang katahimikan ng sektor ng mga manggagawa .

Una naring nakiisa ang AMLC sa mga apela na itakda sa 1,170-pesos ang minimum wage na kapantay ng family living wage base pag-aaral ng Ibon Foundation upang makasabay ang gastusin ang kita ng mga manggagawa.

“Yun ang challenge sa atin, yung hamon sa atin, palagay ko yung simbahan at saka po yung manggagawa ay magsama-sama para magkatulungan tayo, kung paano kokomprontahin ito, itong problemang malaki, ang problema kasi, yung straktura ng sistema ng katarungan, mabagal,” ayon pa sa mensahe ni Father Adoviso.

Ang mensahe ay ipinarating ng Pari sa idinaos na Church People Workers Solidarity o CWS Forum kung saan tinipon ng CWS ang ibat-ibang grupo ng mga manggagawa sa Pilipinas at Metro Manila upang makipag-diyalogo sa isat-isa.

Sa gawain ay inihayag ang mga suliranin na pangunahing kinakaharap ng mga manggagawa at kung paano ito tutugunan kung saan naging tampok na tagapagsalita ang mga grupong Kilusang Mayo Uno, Manila Workers Union at Defend Jobs Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 19,078 total views

 19,078 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 47,083 total views

 47,083 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 64,883 total views

 64,883 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 64,093 total views

 64,093 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 175,161 total views

 175,161 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

I-alay ang buhay sa mahal na birheng Maria

 1,261 total views

 1,261 total views I-alay ang pananampalataya at buhay sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang mensahe at pagninilay sa Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Read More »
Scroll to Top