VeritasPH

The Word, The Truth

 334 total views

Homiliya para sa Miyerkules ng Abo, 02 Marso 2022, Mateo 6:1-6, 16-18

Pananalangin, Pag-aayuno, at pagkakawanggawa. Itong tatlong ito ay mga DISIPLINA, mga pagsasanay na espiritwal na ginagawa rin ng mga Hudyo at Muslim, bukod sa ating mga Kristiyano. Itong tatlong ito ang madalas kong tawaging mga paraan ng “spiritual workout”. Kumbaga sa katawan ng tao, ang kaluluwa natin kailangan din ng workout, kung ayaw nating tumamlay, humina at maging sakitin. Mga disiplina ito na napaka-importante para manatiling malakas ang ating buhay espiritwal, malusog at may resistensya sa paglusob o pag-atake ng dimonyo.

Pero sa araw na ito ng simula ng Panahon ng Kuwaresma, ang importanteng pagnilayan natin ay ang kaugnayan ng tatlong ito sa isa’t isa. Kapag nawalan ng kaugnayan ang pananalangin natin, pag-aayuno at pagkakawanggawa sa isa’t isa, nawawalan ng kahulugan ang mga ito. Ito ang pinaka-punto ng mga pagbasa natin ngayon. Kumbaga sa buhay ng isang punongkahoy, may kaugnayan sa isa’t isa ang pag-usbong, pamumulaklak at pagbubunga ng ating pagkatao, tungo sa ating tunay na pakikihawig sa Diyos.

Ang paglapit natin sa Diyos ay nagpapabago sa ating pagkatao. Katulad ng pagbabagong nangyari kay Moises ayon sa Bibliya. Kapag umaakyat daw si Moises sa bundok para manalangin, sa pagbaba niya, napapansin daw ng mga Israelita na parang kumikinang ang mukha niya. Naaaninag nila ang ninging ng pagka-Diyos sa pagkatao niya. Naaaninag sa kanya ang hugis at wangis ng Diyos. Sa madaling salita, nakakahawig ang Diyos.

Ipapaliwanag ko pa nang kaunti, baka kasi magkamali kayo ng intindi. Madalas kasing sakyan ni Satanas ang prosesong ito ng pakikihawig sa Diyos. Minsan, maayos sa simula, pero sa katagalan, naililihis niya. Naililigaw niya tayo tungo sa maling pakikihawig o pakikitulad sa Diyos, katulad ng panunuksong ginawa niya kina Adan at Eba. Inudyok silang sumuway. “Hindi naman totoong mamamatay kayo pag kumain kayo ng bungang iyan,” wika niya. “Magiging katulad kayo ng Diyos!”

Hindi pakikihawig sa Diyos ang itinuturo sa atin ni Satanas kanila kundi pagbabalatkayo at pagdi-diyosdiyosan. Imbes na mapaganda ang ating pagkatao, pinapapangit niya. Lalo tayong inilalayo sa itsura ng Diyos at inilalapit sa itsura ng dimonyo. Ano ang panlaban dito?

Pananalangin na may pag-aayuno, pag-aayuno na nagkakawanggawa, at pagkakawanggawa na bumabalik din sa pananalangin. Hindi hiwalay ang tatlo. Nagdudulot lamang ng lakas at sigla sa atin kapag magkakaugnay ang tatlo. Pagnilayan pa natin nang kaunti.

PANANALANGIN. Ito ay pakikinig sa Diyos. Alam mong naririnig mo ang Diyos kapag naririnig mo na rin ang mga tinig at hinaing ng maraming tumatawag sa sa Diyos. Merong ganyang eksena sa pelikulang TANGING YAMAN. Nasa loob ng simbahan ang lola, kasama ang kanyang apo. Maraming mga tao sa loob ng simbahan, bawat isa may idinarasal din at parang naririnig ng apo. Kaya itatanong niya sa lola, “Lola, hindi ba nalilito ang Diyos sa atin? Sabay-sabay kasi tayong nagdarasal at iba iba ang hinihingi natin. Naririnig po ba niya tayong lahat?”

Sagot ng lola, “Oo, pati yung hindi natin sinasabi na nasa loob natin naririnig din niya. Parang ikaw, alam kong paglabas natin dito sa simbahan gusto mo ibili kita ng lobo.” Sabi ng apo, “Po? pano nyo nalaman?” Sabi ni lola, “Kasi lab kita. Kahit di mo sabihin alam ko ang nagpapasaya sa iyo. Ganyan din si God. Alam nya. Kasi mahal niya tayo.”

Ang panalangin ang nagbubukas sa ating kalooban para marinig din natin ang mga hiling ng ating kapwa. Nagpaparamdam sa atin sa nararamdaman ng Diyos. Dito pumapasok ang kaugnayan ng prayer at fasting. Ang pag-aayuno ay kusang-loob na pagsupil sa ating mga hilig at pagnanasa. Ang pinakamabilis kasi nating maramdaman ay ang mga bagay na may kinalaman sa ating sarili, sariling pagkagutom, sariling pagkauhaw, sariling mga hilig. Kung minsan, kailangan nating matutunang supilin ang mga ito para maramdaman din natin ang pagkagutom ng iba, ang mga pagdurusa at hirap na pinagdaraanan ng kapwa.

Di ba, kahit gaano ka kagutom, kahit anong sarap ng pagkain sa harapan mo, parang hindi mo ito makain at malasap kapag naiiisip mo ang mga walang makain o namamatay ng gutom. Kahit ipikit mo ang mga mata mo, nakikita mo sila. Sa pag-aayuno, imbes na iwasan sila, kailangang harapin sila. Sinusupil muna natin ang ating mga hilig, para maramdaman natin at maranasan ang nararanasan nila. Ito ang bumago kay Moises nang makita niya ang pagdurusa ng mga aliping Hebreo. Bumabalik balik sa kanyang alaala.

Sa ating first reading, ang sinabi ng propetang Joel ay parang akmang akma sa pinagdaraanan ngayon ng mga Ukrainians. “Mahabag ka Panginoon sa iyong bayan. Huwag mong kaming hayaang malupig at muling pagharian ng mga dayuhan.” Isipin natin na ang nangyayari sa kanila ay pwede ring mangyari sa atin. Di nga ba’t nagsimula na tayong sakupin ng China noon pa? Ano ang makapipigil sa kanila ngayon na gawin sa atin ang ginawa ng Russia sa Ukraine? Sa pananalangin, pag-aayuno ay mararamdaman din natin ang nararamdaman nila gaano man sila kalayo sa atin.

Ang pagkagutom at pagkauhaw sa pag-aayuno ang magpapalaya sa atin sa pagkaalipin sa ating mga materyal na kayamanan. Ang pera daw ay ginagamit, ang tao ay minamahal. Alam nating nalilihis na ang pagkatao natin kapag bumaligtad. Kapag ang tao ang ginagamit natin at pera na ang minamahal natin.

Kaya ang bunga ng tamang pag-aayuno ay malasakit at pagkakawanggawa. Pinalalaya tayo sa mga hilig natin. Nakapagtataka, di ba? Sa pagkakawanggawa, akala natin tayo ang tumutulong, pero ang totoo, tayo ang natutulungan. Sa pagtugon natin sa sa mga hinaing ng kapwa, gumaganda ang ating pagkatao, nararamdaman natin sa loob natin ang pintig ng puso ng Diyos. Sinasagot pala niya ang mga panalangin ng kapwa sa pamamagitan din ng bawat isa sa atin, sa mga gawaing may malasakit na walang hinihintay na kapalit. Nakakahawig natin siya.

Hindi ginagawa para sumikat, o tumawag pansin sa sarili, o makilala. Ginagawa mo dahil ramdam mong pinagagawa ng Diyos sa iyo, dahil ang pagsunod sa kalooban niya ang nagbibigay ng tunay na kaligayahan sa kalooban mo.

Bilang pangwakas, may suggestion ho ako. Ang ibunga ng pananalangin at pag-aayunong gagawin ninyo para sa buong panahon ng Kuwaresma ay ipunin ninyo sa isang alkansa para sa kawanggawa. Tawaging ALKANSYA SA KUWARESMA. Para saan? Alam ko nakatulong na ang marami sa inyo sa relief work sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Pero karamihan sa kanila ay homeless at jobless pa rin. From relief, ngayon ang mas malaking challenge ay rehabilitation work. Kaya minabuti ng Caritas Philippines na sa taong ito, tututukan ng ALAY KAPWA Program ang isang proyektong tinawag na “400 Million Pesos Early Recovery Project” para sa 10,000 families sa labing-isa sa mga pinaka-apektadong mga probinsiya.

Hulug-hulugan ang alkansya bawat araw na may maitabi kayong bunga ng pananalangin at pag-aayuno para sa kongkretong pagtulong sa kapwa. Ipadala lang po sa Caritas Philippines bago matapos ang Kuwaresma sa Linggo ng Palaspas sa pamamagitan ng inyong parokya. Isulat lang: para sa ALAY KAPWA PROGRAM 2022 ng Caritas Philippines. Tinitiyak ko, aagos ang pagpapalang ipagkakaloob ng Diyos sa inyong pamilya at sa ating bansa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 3,917 total views

 3,917 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 11,902 total views

 11,902 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 19,438 total views

 19,438 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 35,424 total views

 35,424 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 43,468 total views

 43,468 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 209 total views

 209 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,965 total views

 2,965 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,380 total views

 7,380 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,706 total views

 2,706 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,229 total views

 3,229 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,728 total views

 4,728 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,572 total views

 5,572 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,827 total views

 3,827 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,040 total views

 8,040 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,273 total views

 7,273 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,483 total views

 11,483 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,931 total views

 4,931 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,935 total views

 4,935 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,935 total views

 4,935 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,927 total views

 4,927 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top